• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Phoebe Walker, masaya na maging ‘Cardo’s Angel’ sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

EXCLUSIVE: Phoebe Walker, masaya na maging ‘Cardo’s Angel’ sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Tatlong taon daw hinintay ni Phoebe Walker ang pagkakataon na makasali sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/23/2019 12:35 PM
EXCLUSIVE: Phoebe Walker, masaya na maging ‘Cardo’s Angel’ sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’


Photo credit: @phoebecatherinewalker on Instagram (R)

Ayon kay Phoebe Walker, tatlong taon ang kanyang hinintay bago napasama sa cast ng longest-running TV series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

“After 2016 yata yon, after Seklusyon, sinabi ko sa interview na sana makapasok ako sa Ang Probinsyano, so three years, ang tagal. So ngayon lang nagkatotoo,” natatawang pagre-recall ng aktres.

“Matagal ko na ring mine-message si Kuya Coco, eh, pero ang sabi niya, kapag may role na nag-open up for me na bagay. Ngayon at least meron and happy ako na medyo mahaba yung role.

“Pinili talaga nila yung mga girls, kasi apat kami na CIDG, so hanggang September hopefully yung role namin at puwede pang mag-extend depende sa tatakbuhin ng istorya,” kuwento pa niya.

Nakatrabaho na noon ni Phoebe sa pelikulang Panday si Coco at napansin niya ang kaibahan ni Coco working on a film and television.

Ani Phoebe, “Obviously compared sa Panday noon, mas ano siya ngayon, mas istrikto. Mas serious pa siya ngayon sa set kasi siya nga lahat ng brains. 

“Very impressive yung work ni Direk kasi hindi lang linya, eksena, pati mga anggulo siya na lahat ang nag-iisip, nag-a-approve, lahat.

“Pati pack-up ng artista, lahat. Siya na lahat talaga, so he has a lot on his plate.”

Masaya si Phoebe sa takbo ng kanyang career sa TV at pelikula ngayon na aniya ay nagsimula sa controversial role niya sa Seklusyon na isang Erik Matti film.

Bukod kasi sa Probinsyano ay kasama rin siya sa cast ng peikulang The Last Interview: The Mayor Anthony Halili Story.

“Sa Seklusyon talaga yung biggest break ko sa role. Happy naman ako kasi yon din yung dream ko dati, na ma-penetrate ko yung TV network, so ngayon happy ako na may Probinsyano ako. Yon nga lang, sa dami ng artista talaga sa Probinsyano na sana tumatak din yung character namin kasi nitong mga nakaraang taping pinag-a-undercover mission na kami, na mga seksi.

“Ang tawag nga sa amin ngayon is Cardo’s Angels, kaming apat, so sana tuluy-tuloy at umangat pa yung character,” she said.

Happy din daw siya na tawaging “Cardo’s Angels” kahit na obviously ang ginagamit nila sa kanilang misyon ay ang kanilang sexy bodies.

“Lumaki ako na pinapanood ang Charlie’s Angels and maganda sila, magagaling, attractive. Ginagamit ang pagiging babae para ma-accomplish ang mission, so parang yon yung ginagawang peg sa amin ngayon.

“Okay kasi TV lang naman, so it can’t be really, really sexy, kahit na parang pinag pokpok kami don sa isang beses na mission. Alam mo namang may limit agad kasi hindi siya movie, kaya okay ako.

“Sa Araw Gabi nga, naka-bikini ako sa halos lahat ng eksena ko, ‘di ba, so okay lang sa akin,” dire-diretsong tsika pa ni Phoebe.