• Home
  • Fresh Scoops
  • Richard Poon at Jessa Zaragoza, may pasabog sa kanilang concert

Richard Poon at Jessa Zaragoza, may pasabog sa kanilang concert

Inihalintulad ni Richard Poon si Jessa Zaragoza sa fictional character na si 'Jessica Rabbit' sa darating nilang concert sa Resorts World Manila.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/22/2019 8:08 PM
Richard Poon at Jessa Zaragoza, may pasabog sa kanilang concert


Parehas na excited ang dalawang OPM icons na sina Jessa Zaragoza at Richard Poon sa kanilang unang pagsasama para sa isang concert na pinamagatang Just Right: The Diva and the Crooner Live in Concert.

Pag-amin ni Jessa, naging curious siya sa collaboration na ito dahil sa magkaibang genre nila ni Richard. 

"Sobrang natuwa ako t’saka na-excite talaga. Kasi inimagine ko rin kung papaano kung magsama kami sa isang concert, papaano ang mangyayari? Very curious talaga [ako]," pahayag ni Jessa sa interview ng press kahapon, May 21. 

Kilala si Jessa bilang Jukebox Diva dahil sa kanyang mga hit songs tulad ng "Bakit Pa" at "Ikakasal Ka Na." Big Band Crooner naman ang naging tawag kay Richard dahil sa estilo niya sa pagkanta ng rendition ng "I'll Take Care of You," "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko," at iba pa.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#dracarys 🐉🐲 #ravan 😉

A post shared by Jessa Zaragoza-Avanzado (@jessazaragoza) on

 

Ayon kay Richard, magiging 'sexy lounge' ang tema ng kanilang collaboration ni Jessa.

"Ang banda namin dito ay parang dose ata. We'll have full horns, mga six pieces. So parang sound ko, na nilagyan mo ng 'sexy' na lounge singer," kuwento ni Richard 

Dahil sa temang sexy lounge, inihalintulad din ni Richard si Jessa bilang si Jessica Rabbit, isang fictional character mula sa sikat na animated film Who Framed Roger Rabbit. 

"That is exactly what's in my mind... Hindi kasi siya belter [na singer]. Ang nakikita ko siya sa kanya, lounge," pahayag ni Richard. 

Pabiro namang sinabi ni Jessa na na-pressure siya sa peg ni Richard para sa kanya. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Mark your calendars as Cornerstone Concerts and Resorts World-Manila proudly bring you the two of the greatest and most iconic voices in Philippine music scene! For the first time, the Phenomenal Diva, Jessa Zaragoza and the Big Band Crooner, Richard Poon join forces on one stage together to give you a spectacular night to remember! #JustRight The Diva and The Crooner LIVE in concert! Musical Direction by Ria Osorio and Directed by Dido Camara! Happening on June 8 Saturday 8Pm at the Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila. Tickets out soon! Watch out for it! #JustRightJessaRichard #CornerstoneConcerts #ResortsWorldManila #JessaZaragoza #RichardPoon #CornerstoneArtist

A post shared by Jessa Zaragoza-Avanzado (@jessazaragoza) on

 

Bukod sa kanilang duet, aabangan din ang dalawang guest artists nila na sina Jayda at Jeremy Glinoga. Mapapanood ang Just Right concert sa June 8 sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila.