• Home
  • Fresh Scoops
  • Jane Oineza on possible romance with Jerome Ponce: “Wala eh, sinayang niya ‘yung chance niya”

Jane Oineza on possible romance with Jerome Ponce: “Wala eh, sinayang niya ‘yung chance niya”

Jane Oineza also shares the reason why she ended her four-year relationship with Kyle Secades last year.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/22/2019 1:47 PM
Jane Oineza on possible romance with Jerome Ponce: “Wala eh, sinayang niya ‘yung chance niya”


Photo credit: @janeoineza on Instagram

Muling nilinaw nina Jane Oineza at Jerome Ponce na matalik lang silang magkaibigan at hindi humantong sa posibilidad na maging magkasintahan. Ayon kay Jerome, close na siya kay Jane simula pa noong nag-uumpisa siya sa industriya.

"Since Star Magic Batch 2013, close kami. Siya lang ‘yung mabilis kong nakakausap kasi Tagalog eh. Sila Julia at Janella, English eh," kuwento ni Jerome sa episode ng Magandang Buhay kahapon, May 21. 

Dahil sa kakaibang closeness ay hindi naman napigilan ng mga momshie hosts na tanungin ang dalawa kung nagkaroon ba sila ng pagkakamabutihan noon. 

"Wala eh, sinayang niya yung chance niya eh," sagot ni Jane na ikinakilig naman ng mga momshie hosts. "Wala, matagal na 'yon. Wala na tayo do'n," matipid na paliwanag ng aktres.

Dagdag pa ni Jane, masaya siya sa pagiging totoong kaibigan ni Jerome na naging saksi din sa kanyang pinagdaanang heart break noon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Kit and Nel • #FindingYou • May 29, 2019

A post shared by Elizabeth Jane Oineza (@janeoineza) on

 

Maaalalang noong September 2018 sa parehong morning talk show din unang inamin ng aktres ang hiwalayan nila ni Kyle Secades,

READ: Jane Oineza admits split with Kyle Secades

Sa pagbabalik guesting ni Jane kahapon ay ibinahagi na niya ang dahilan ng naturang break up.

"Halos one year na rin, and ayaw ko na rin masyadong balikan. Naka-move on na tayong lahat.”

"[Sabi] ko nga, decision ko din kasi gusto ko din na mag-focus sa sarili ko, at priority ko na rin ang trabaho ko, at ang sarili ko at pamilya ko," paliwanag ni Jane. 

Nang tinanong naman ang aktres kung ano ang natutunan niya mula sa kanyang nakaraang relasyon, "Siguro sa susunod kong relationship, natutunan ko na dapat give and take. Yung kung paano mo siya nakilala, at kung paano mo siya minahal, dapat hindi mo rin i-try siyang baguhin. Siguro dapat mas more on i-improve niyo ang isa't isa at mag-grow kayo together.”

"And, kung ano ang kailangan ng isa't-isa to grow ay suportahan mo din," ani Jane. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Baby wag ka ng mag-alinlangan pa

A post shared by Elizabeth Jane Oineza (@janeoineza) on

 

Bibida si Jane sa bagong pelikula na Finding You kasama ang matalik na kaibigan na si Jerome Ponce. Mapapanood ang pelikula simula May 29.