Erik Santos, ‘arteng-arte’ noon kay Yeng Constantino

Erik Santo at Yeng Constantino, hindi maganda ang first impression sa isa’t isa

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/22/2019 12:05 PM
Erik Santos, ‘arteng-arte’ noon kay Yeng Constantino


Sa Tonight with Boy Abunda, ikinuwento nina ExtraordinarY singers at Tawag ng Tanghalan judges Erik Santos at Yeng Constantino kung ano ang first impression nila sa isa’t isa. 

WATCH: Bakit nga ba parang ‘sinasaniban’ sina Yeng at Erik tuwing nagpe-perform sila? 

Pag-amin ni Erik tungkol kay Yeng, “arteng-arte” daw siya dito noong una niya itong napanuod sa Pinoy Dream Academy. Kuwento ni Erik, “Once lang ako nakapanuod siya pa yung napanuod ko, arteng-arte po ako sa kanya. Kasi nagliligawan po sila ni RJ (Jimenez) nun.” 

Pagpapatuloy ni Erik, “Masyadong pakipot! Yun po yung first impression ko sa kanya so hindi pa po kami magkaibigan nun.” 

Kung naartehan naman si Erik kay Yeng, si Yeng naman ay pinagdudahan daw ang pagiging Kristiyano ni Erik. Anya tungkol sa kaibigan, “Ano siya, ma-green joke.”

Pero naisip din ni Yeng nang mas makilala niya si Erik na, “Yun lang yung type ng humor mo. Pero pag nakilala mo to si Erik malalim ‘tong tao e. Pero nung time na yun talaga, nag-doubt talaga ako.”

Mahilig din daw sabihan ni Erik si Yeng na “sexy.” Kuwento ni Yeng, “Kami ni ate Kyla, lagi niyang sinasabihan ng ganyan—ang sexy mo, ang sexy mo.” 

Pero ramdam daw ni Yeng na totoo kapag si Erik ang nagsasabi dahil, “Kasi malakas din to mang-asar e ‘pag di ka maganda.” 

Pagtatapos naman ni Erik, “Very honest po ako, lalo na pag mahal ko yung tao.” 

Magsasanib ang magkaibigan sa isang ExtraordinarY concert ngayong gabi May 22. 

READ: Erik Santos at Yeng Constantino, first time magsasama sa isang concert