• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Ceasar Soriano clarifies that his film ‘The Last Interview’ is apolitical

Director Ceasar Soriano clarifies that his film ‘The Last Interview’ is apolitical

Kasama sa pelikula ang huling interview ni director Ceasar Soriano sa napaslang na mayor ng Tanauan, Antonio Halili.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/22/2019 10:42 AM
Director Ceasar Soriano clarifies that his film ‘The Last Interview’ is apolitical


Nilinaw ng dating ABS-CBN Mindanao News Bureau Chief na si Ceasar Soriano na isa ring film director na hindi niya ginawa ang pelikulang The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story para gamitin sa kampanya ng kahit sinong pulitiko sa katatapos lang na May 2019 midterm elections.

Si Mayor Antonio Halili ay alkalde ng Tanauan, Batangas na kilala sa paglaban sa illegal drugs at sa kontrobersyal na “walk of shame parade” o pagparada sa kalye ng mga nahuhuling drug pushers at users sa kanyang lungsod.

Pinatay ang butihing mayor ng hindi pa nakikilalang gun man habang nasa flag ceremony noong July 1, 2018.

“Are you saying na ginawa ko ito para sa pulitika? Hindi naman. Kasi hindi naman siya tumakbo, and hindi ko naman akalaing tatakbo pala ang anak niya.

“Kaya nga para hindi masabing gagamitin sa eleksyon, after ng elections kami nag-decide na i-showing nito. MTRCB approved it with four lawyers of the government, during the preview.

“They were so appreciative of the movie. They said it’s very inspirational, at kahit na isang katiting, hindi siya about politics. Hindi siya pamumulitika,” paliwanag ng producer-director ng pelikula.

Dagdag pa niya, “And I assure them na after they watch the movie, hindi mo masasabing pamumulitika ito. Pinakita ko lang sa pelikula ang pagkatao niya, ano ang nagtulak sa kanya para magparada siya (ng mga pushers and users).”

A day bago pinaslang si Mayor Halili ay nainterbyu pa raw niya ito.

“Ipapalabas namin yung last interview ko sa kanya na hindi pa lumalabas kahit na saan. Ekslusibong mapapanood sa pelikula ang isang video na hindi pa napapalabas kahit saan—kung ano ba yung sinabi niya sa akin the last few hours of his life,” lahad pa niya.

Aminado ang broadcast journalist na muntik na niyang hindi ituloy ang filming ng The Last Interview dahil sa nangyari kay Mayor Halili.

“When he was assassinated, wala na! Parang ayoko na, kasi wala na siya, eh. But he kept on appearing in my dreams. Parang, ‘Ano ba, bakit hindi mo gagawin (ang pelikula)?’ So, nag-decide akong gawin para maipakita ko na there is this mayor who served his town, booted out from the list of mayors na kailangang bigyan ng security. Especially there’s this war on drugs of President Duterte.

“But it was so interesting to know that fateful morning during the flag ceremony, he was assassinated. ‘Who killed him? Why was he killed? And what’s the story behind[it}?’ he said.

Eh, bakit si John Estrada ang napili niyang gumanap sa character ng mayor?

Sagot niya, “Si John ang napili ko because he looked like the mayor. Matangkad. Playboy. Magaling. Kahawig. Para siyang si mayor.  

“Noong una kong in-offer sa kanya ang role, pinag-isipan niya. Sabi ko, hindi ito basta-basta movie. ‘Pag gusto ko kasi ang isang artista, hindi siya makakahindi sa akin. (Laughs).”

Ano ba ang moral lesson ng pelikula?

“Gaya ng sinabi ni mayor, hindi natin dapat katakutan ang ating kamatayan. Life is so short. While we are in this world, ‘wag tayong matakot gumawa ng kabutihan. Lalabas at lalabas ang katotohanan.

“So, for all the public servants, sa mga mayors na may mga (death) threats, or parang natatakot sa sinasapit ng mga mayors ngayon, ganoon talaga ang public service eh. ‘Yung isang hakbang mo, nasa hukay na,” mensahe niya.

Kasama rin sa cast ng The Last Interview si Ara Mina na gumaganap naman bilang Mrs. Gina Halili.

Debut film ni Soriano bilang director ang Ang Misyon: A Marawi Siege Story nung 2018.