• Home
  • Fresh Scoops
  • Chienna Filomeno on friction with Dawn Chang: ‘It was all in the past na’

Chienna Filomeno on friction with Dawn Chang: ‘It was all in the past na’

Chienna Filomeno, sinabing nagkaayos na sila ni co-GT member Dawn Chang

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/22/2019 11:54 AM
Chienna Filomeno on friction with Dawn Chang: ‘It was all in the past na’


Sa ulat ni MJ Felipe para sa Bandila, sinabi ni GT member Chienna Filomeno na naayos na ang hindi pagkakaunawan sa pagitan nila ng isa pang GT member na si Dawn Chang. 

Matatandaan na inamin ni Chienna sa interview niya sa Tonight with Boy Abunda na nagkaroon sila ng alitan ni Dawn pati na rin ni Erin Ocampo na kasamahan nila noon sa GirlTrends. 

READ: Chie Filomeno, inaming nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa iba pang Girltrends members

Kamakailan lang dumalaw din si Dawn sa TWBA at sinabi naman niya na “civil” sila ngayon ni Chienna. 

READ: Dawn Chang on Chienna Filomeno: "We're civil"

Pero sa panayan ni MJ kay Chienna, sinabi ni Chienna na maayos na ang lahat sa pagitan nila ni Dawn. “Siyempre kailangan talagang pag-usapan and management was there also to guide us. And it was all in the past na and we’re all really happy that it made us stronger as a group,” pahayag ni Chienna.

Makakatulong din daw ang pag-aayos nila ni Dawn sa mensahe ng GT nila na women empowerment.