• Home
  • Fresh Scoops
  • Barbie Imperial is still thankful to JM de Guzman despite the misunderstandings

Barbie Imperial is still thankful to JM de Guzman despite the misunderstandings

Marami na raw sumubok na ayusin ang gulo sa pagitan nina Barbie Imperial at JM De Guzman.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/22/2019 10:36 AM
Barbie Imperial is still thankful to JM de Guzman despite the misunderstandings


Kahit maraming nabitiwang masasakit na salita si Barbie Imperial patungkol sa dati niyang kapareha sa teleseryeng Araw-Gabi na si JM de Guzman, may mga bagay din naman daw siya na ipinagpapasalamat sa aktor.

“Of course. Yon naman po yung sinasabi ko palagi sa sarili ko,” wika ng Finding You star.

“Like every time, na gusto kong magalit, kinokontrol ko. Gustung-gusto ko nang magalit, pero si mama laging sinasabi sa akin na huwag talaga. Sabi niya, huwag ko naman daw kalimutan na siya (JM) rin yung dahilan kung bakit ako nandito.

“And maraming naitulong din sa akin si JM, eh. In terms of acting, as a person, lahat-lahat. Parte siya no’n. Para sa akin sinend siya ni God para maging instrument para ma-notice din ako. Sad lang, honestly kasi hindi talaga nagtugma,” dagdag napahayag ni Barbie.

Hindi ba niya winish na sana ay hindi na lang sila naging magkatrabaho ni JM?

“Siguro yung winish ko, sana hindi namin minadali yung thing namin kasi kaka-break ko din lang non.

 “Well, hindi naman kami nagka-thing agad, eh, kasi ang tagal ko rin naman nag-move-on kay Paul (Salas),” sagot niya.

Handa na ba ulit siyang magmahal?

“Siguro malapit na, pero hindi ko siya priority ngayon, eh. Parang nakita ko yung sarili ko na kung paano ako ma-in love.

“Kailangan kong mag-focus sa work, eh, habang mainit pa. Kailangan kong mag-focus don sa goal ko habang bata pa ako. Hindi ko dapat sayangin yung binibigay sa akin kasi may pamilya ako, eh, may pangarap ako para sa pamilya ko.

“Kaya din ayokong mag-boyfriend kasi gusto ko pag nag-boyfriend ako ayoko ng tinatago. Gusto ko alam ng mga tao,” lahad ng dalaga.

Inamin din ni Barbie na may mga nag-effort para pag-ayusin sila ni JM kaya lang hindi raw sila nag-succeed.

Aniya, “Meron, madami. Yon yung mahirap, eh, na marami na yung tumutulong na ayusin pero hindi talaga maayos—sina Ate Ara (Mina), Ate Vina (Morales), madami, halos lahat.” 

Samantala, showing na sa May 29 ang Finding You na pinagbibidahan din nina Jane Oineza at Jerome Ponce. The film is produced by Regal Entertainment ang directed by Easy Ferrer.