• Home
  • Fresh Scoops
  • Vhong Navarro and Bayani Agbayani react to John Lloyd Cruz’s ‘ermitanyo looks’

Vhong Navarro and Bayani Agbayani react to John Lloyd Cruz’s ‘ermitanyo looks’

Vhong Navarro and Bayani Agbayani remain supportive of John Lloyd Cruz.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/21/2019 11:11 AM
Vhong Navarro and Bayani Agbayani react to John Lloyd Cruz’s ‘ermitanyo looks’


Photo credit: @johnlloydcruztm on Instagram (C)

Hindi maiwasang hingan ng reaksyon sina Bayani Agbayani at Vhong Navarro, dalawa sa bagong cast members ng sitcom na Home Sweetie Home: Extra Sweet, kung ano ang masasabi nila sa bagong itsura ngayon ni John Lloyd Cruz na kung ilarawan ng iba ay “ermitanyo look” dahil mahaba ang buhok at balbas nito.

Si John Lloyd ang dating partner ni Toni Gonzaga at original cast member noon ng Home Sweetie Home.

Ani Bayani, “Ako, natutuwa ako, kasi ang tagal ko na siyang hindi nakita. Alam mo, si John Lloyd ang isa sa mga aktor na hinangaan ko sa pagkatao niya at saka sa kanyang pag-acting.

“Nakasama ko na rin siya sa abroad, napakabait at napakagaling ng aktor ni John Lloyd. Ako ang isa sa mga nanghihinayang na dapat talaga bumalik siya sa showbiz dahil isa siyang kawalan kung wala ang John Lloyd sa industriya.”

Naikuwento rin ni Bayani na nagkita sila ni John Lloyd sa Malacanang kamakailan at sobrang natuwa raw siya nang makita ang aktor.

“Niyakap ko nga siya at nagkaroon kami ng pagkakataon na mag-holding hands. Nag-usap kami.

“Sabi ko, ‘I missed you.’ Sabi niya, ‘I missed you too,’” kwento ni Bayani.

Ayon naman kay Vhong, dapat respetohin kung anuman ang gustong hitsura ni Lloydie.

“Kaibigan ko si Lloydie, eh, so siyempre, respetohin natin kung ano ‘yung gusto niyang hitsura. Kasi, ano ‘yan, kanya-kanya tayo, eh. Like ako, ito ang gusto ko, magguguhit dito ng buhok. Eh ‘yun ang gusto niya, magpahaba ng buhok, respetohin po natin ‘yun,” rason pa ng aktor.

Samantala, natanong din ang cast kung sino ang gusto nilang i-guest pa sa sitcom at ayon sa direktor na si Edgar “Bobot” Mortis, gusto nilang mag-guest sa sitcom si Lloydie (tawag kay John Lloyd).

“Siyempre, magandang maging guest namin, kung babalik, si John Lloyd siyempre. Kasi, tuloy pa naman ‘yung istorya nila ni Julie (Toni Gonzaga),” sambit pa niya.

Samantala, naging mainit ang pagtanggap ng televiewers sa Home Sweetie Home Extra Sweet first episode noong May 11. Nakakuha ito ng mataas na ratings na 37.2% base sa datos ng Kantar Media.

Bukod kina Vhong, Bayani, at Toni kasama sa cast ng Home Sweetie Home Extra Sweet sina Rio Locsin, Alex Gonzaga, Luis Manzano, at ang Pinoy Big Brother Big 4 members na sina Fumiya Sankai at Yamyam Gucong.