PANOORIN: Malia O'Brian, sinubukang mag-ballet

Muling ikinatuwa ng netizens ang Internet favorite na si Malia O'Brian matapos ibahagi ng kanyang ina na si Pokwang ang bidyo ng nasabing bata habang ito ay sumasayaw ng ballet.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/21/2019 2:23 PM
PANOORIN: Malia O'Brian, sinubukang mag-ballet


Photo credit: @malia_obrian on Instagram

Muling ikinatuwa ng netizens ang Internet favorite na si Malia O'Brian matapos ibahagi ng kanyang ina na si Pokwang ang bidyo ng nasabing bata habang ito ay sumasayaw ng ballet. 

Sa Instagram nitong Martes, makikitang masayang sinasabayan ni Malia si Pokwang habang siya'y nagba-ballet sa kantang 'Rainbow' galing sa 2016 cartoon film na Ballerina. Kuha ang bidyo sa kanilang pamamahay sa Antipolo, Rizal.

"Doing some ballet with Mom.... and with my new favorite song 'Rainbow'," ani sa caption ng bidyo na matatagpuan sa mismong account ni Malia. Ang nasabing account ay pinangangasiwaan ni Pokwang at ng kanyang American partner at ama ni Malia na si Lee O'Brian, isang aktor. 

Kamakailan lamang ay nag-viral si Malia matapos i-release ng Star Music ang kantang ‘Malia Malia' na ipinagbibidahan niya kasama si Pokwang. 

WATCH: Baby Malia O’Brian is now a recording artist

Ipinanganak si Malia noong Enero ng nakaraang taon. Bukod sa kanya ay may anak din si Pokwang na nagngangalang Ria Mae mula sa dating relasyon.