• Home
  • Fresh Scoops
  • FAMAS 2019 Best Director Dwein Baltazar, first choice si Loisa Andalio para sa kanyang next project

FAMAS 2019 Best Director Dwein Baltazar, first choice si Loisa Andalio para sa kanyang next project

Una sa listahan ni Dwein Baltazar si Loisa Andalio para gumanap sa isa mga karakter sa kanyang bagong digital series na ‘Past Present Perfect.’

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/21/2019 11:20 AM
FAMAS 2019 Best Director Dwein Baltazar, first choice si Loisa Andalio para sa kanyang next project


Photo credit: @dweiny on Instagram

Inamin ng FAMAS 2019 Best Director Awardee na si Dwein Baltazar na first choice niya si Loisa Andalio para gumanap na isa sa mga lead characters sa kanyang aabangang proyekto sa iWant.

"Si Shantal ng 2003, dapat papasa siyang giddy high school—siyempre si Loisa nando'n agad [sa listahan], una 'yan—kasi fresh and bagets. So kayang kaya pa niyang mag high school [role]," pahayag ni Dwein sa interview niya sa PUSH.

Gaganap bilang batang Shantal si Loisa, ang karakter ni Shaina Magdayao na inaalala ang minsang na-in love ito sa kanyang high school teacher, na gagampanan naman ni Vin Abrenica.

READ: Loisa Andalio to play as young Shaina Magdayao in new digital series

READ: Loisa Andalio to star opposite Vin Abrenica in new digital series

Ayon pa kay Dwein naging masaya ang pakikipag-trabaho niya kay Loisa, dahil parehas silang 'good vibes' at 'chill' lang sa set.

"Feeling ko tugma yung [personality] namin ni Loisa, kasi sobrang chill lang niya na bagets, tapos sobrang gaan lang niya ka-trabaho. Tapos sinamahan pa nila Awra (Briguela)—lahat ng cast ko," kuwento ni Direk. Dagdag pa niya, isa rin sa mga hinahangaan niya kay Loisa ay ang pagiging laging handa nito sa mga eksena.

 

Mapapanuod nang libre simula May 31 ang Past Present Perfect sa iWant. 

Panuorin ang teaser trailer dito:

Ito ang unang digital series ni Dwein matapos kilalanin ng FAMAS 2019 bilang Best Director. Nanalo din ng Best Picture at Best Screenplay ang kanyang pelikulang Gusto Kita With All My Hypothalamus. Si Dwein din ang sumulat at nag-direk ng award-winning film na Oda Sa Wala na pinagbidahan ni Marietta 'Pokwang' Sumbong.

Samantala, bilang isa sa mga kilalang babaeng direktor, nagbigay din ng kanyang 'bet' si Direk Dwein sa kung sino ang pwedeng gumanap bilang Darna. "Sasabihin ko si Nadine (Lustre), kasi nand'on lahat e. Pinay, morena, tsaka may 'spunks' si Nadine na hindi mo maituro e," paliwanag niya.