• Home
  • Fresh Scoops
  • Direk Joel Lamangan’s ‘Binondo: A Tsinoy Musical’ posibleng ipalabas sa Singapore

Direk Joel Lamangan’s ‘Binondo: A Tsinoy Musical’ posibleng ipalabas sa Singapore

Direk Joel Lamangan, gustong bumalik sa pag-aarte sa entablado.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/21/2019 10:55 AM
Direk Joel Lamangan’s ‘Binondo: A Tsinoy Musical’ posibleng ipalabas sa Singapore


Magbabalik sa entablado ang critically-acclaimed musical play na Binondo: A Tsinoy Musical na ipinalabas last year (2018). Muli itong itatanghal sa Theatre at Solaire from July 12 to 14, 2019.

Si Joel Lamangan pa rin ang magdidirek ng re-run ng Binondo at ayon sa kanya mas kaabang-abang ngayon ang nasabing musical play dahil sa Asian appeal nito.

Posible rin daw na maipalabas ito sa Singapore.

Kuwento ng director, “Bago ang producer namin, taga Singapore. Singaporean ang producer at mas pinaigting namin ang mga eksena. Meron akong tinanggal na eksena at meron ding idinagdag at inayos ko pang mabuti iyong opening.

“Ayon sa aming producer, baka maipalabas siya sa Singapore.”

Mare-retain naman sa cast ng Binondo na sina Shiela Valderrama-Martinez at Arman Ferrer who are playing Lily and at Ah Tiong, respectively.

Ayon kay Direk Joel, walang ka-alternate sina Shiela at Arman ngayong taon dahil may prior commitment sina Carla Guevara-Laforteza at David Ezra sa ibang theater company. Ang dalawa ay kasama sa original cast ng Binondo.

“May commitment silang iba sa CCP at meron din silang gagawing Beautiful,” pahayag ni Direk Joel.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto sanang i-adapt sa big screen ni Direk Joel ang Binondo: A Tsinoy Musical.

“Maganda siyang mapanood sa big screen dahil napaka-rich ng narrative niya tulad na lamang ng mga ginawa ko like Mano Po na tumatalakay din sa kultura ng mga Tsinoy,” sey pa niya.

Nabanggit din ng award-winning director na nami-miss na rin niya ang pag-arte sa entablado. Balak daw niyang i-revive ang stage acting ngayong taon at makagawa ng mga markadong papel.

Eh, ano ba ang particular role na gusto niyang gampanan sa entablado?

“Gusto ko yung markadong role ng bida sa Kiss of The Spiderwoman na isang bilanggo na naging katalik ang kanyang inmate.

“Pero ibang atake naman ang gagawin ko don. Ayokong gumawa ng ginawa ng iba,” lahad niya.

Samantala, ang Binondo: A Tsinoy Musical ay nagwaging best original musical production, best ensemble performance at best musical stage director para kay Lamangan sa 2018 Aliw Awards.

Ito ay prinodyus ng Marites Alava-Yong Foundation at mula sa original story ni Rebecca Chuaunsu, panulat nina Ricky Lee, Gershom Chua at Eljay Castro Deldoc at musika ni Von de Guzman.

Kasama rin sa cast ng Binondo sina Noel Rayos bilang Carlos, Mariella Laurel bilang Jasmine, Jim Pebangco, Lorenz Martinez, Khalil Kaimo, Rhapsody Li, Ellrica Laguardia, Ima Castro, Ashley Mickaela Factor, Dondi Ong, Kay Balajadia, Jennifer dela Cruz, Elizabeth Chua, Russell Magno, Jonel Mojica, Philip Deles at marami pang iba.