• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: Sylvia Sanchez, sinorpresa ng pamilya sa kanyang birthday

PANOORIN: Sylvia Sanchez, sinorpresa ng pamilya sa kanyang birthday

Hindi mapigilan ni Sylvia Sanchez na maging emosyonal matapos siyang sorpresahin ng kanyang pamilya habang nagse-celebrate ng kanyang 48th birthday sa Hong Kong nitong Linggo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/20/2019 2:34 PM
PANOORIN: Sylvia Sanchez, sinorpresa ng pamilya sa kanyang birthday


Photo credit: @sylviasanchez_a on Instagram

Hindi mapigilan ni Sylvia Sanchez na maging emosyonal matapos siyang sorpresahin ng kanyang pamilya habang nagse-celebrate ng kanyang 48th birthday sa Hong Kong nitong linggo.

Sa kanyang Instagram post ngayong Lunes, May 20, nag-upload ang aktres ng bidyo kung saan ginulat siya ng kanyang mga anak na sina Arjo, Ria, Gela, at Xavi nang sorpresahin ito sa Hong Kong Disneyland bitbit ang kanilang regalong bouquet.  

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Ako ang gustong mangsurpresa sa mama ko, pamangkin, kapatid, tiyahin at kaibigan😀 pero ang ngyari😍 ako ang nasurpresa ng asawat mga anak ko🤪😂😜 Thank you @arjoatayde @ria @ataydegela for going out of ur way😍 just to be with me on my birthday. At sa nagplano ng surpresang ito para makasama ko ang mga anak ko sa bdy ko, si @xaviiart, siraulo ka asawa ko😡 napaiyak mo ako sobra sobra, pero ang saya saya ko😂😀😂 maraming maraming salamat syo, love you much💋💋💋 at talagang happy happy bdy to me🍺🍷🥃 #thankuLORD 🙏 #family #happiness #happymom #happywife #grateful #blessed #priceless At sa inyong lahat na bumati sa akin sa kaarawan ko😍 maraming, maraming salamat po❤️💋❤️ Ang saya, saya😀😍😀 Happy evening, everyone💋❤️💋

A post shared by Jojo Atayde (@sylviasanchez_a) on

 

“Ako ang gustong mangsurpresa sa mama ko, pamangkin, kapatid, tiyahin at kaibigan, pero ang nangyari, ako ang nasurpresa ng asawa’t mga anak ko. Thank you [Arjo, Ria, at Gela] for going out of ur way just to be with me on my birthday,” aniya sa caption.

Ayon kay Sylvia, mismong ang asawa niyang si Arturo Atayde ang nag-plano ng nasabing surprise kasama ang kanilang apat na anak.

“At sa nag-plano ng surpresang ito para makasama ko ang mga anak ko sa birthday ko, si [Arturo]. Siraulo ka asawa ko. Napaiyak mo ako sobra sobra, pero ang saya saya ko. Maraming maraming salamat sa ‘yo. Love you much. Talagang happy happy birthday to me,” aniya.

Kasama ng pamilya Atayde sa Hong Kong ang kanilang mga kamag-anak at iilang kaibigan, kabilang na ang komediyanteng si Smokey Manaloto na kilalang matalik na kaibigan ni Sylvia.

Pinasalamatan naman ni Sylvia ang mga bumati sa kanya ng maligayang kaarawan noong Linggo, May 19.

“Sa inyong lahat na bumati sa akin sa kaarawan ko, maraming, maraming salamat po. Ang saya saya,” aniya.