• Home
  • Fresh Scoops
  • Loisa Andalio to play as young Shaina Magdayao in new digital series

Loisa Andalio to play as young Shaina Magdayao in new digital series

Ito ang unang beses na makakasama ni Loisa Andalio sa isang proyekto sina Vin Abrenica, Shaina Magdayao at ang FAMAS 2019 award-winning director na si Dwein Baltazar.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/20/2019 2:12 PM
Loisa Andalio to play as young Shaina Magdayao in new digital series


Photo credit: @iamandalioloisa/ @shaina_magdayao on Instagram

Bagama't nangangapa pa rin dahil 'first time' niya gumawa ng isang iWant project, naging kumportable na agad si Loisa Andalio sa mga co-actors at direktor niya sa Past Present Perfect digital series. 

"Nung una siyempre nangangapa-ngapa pa rin ako. [Pero] Nung second sequence, kumportable na agad kami. Saka sobrang gaan lang ng set namin. Relax lang, ganyan," pahayag ni Loisa sa exclusive interview ng PUSH. 

Gaganap si Loisa bilang batang Shantal, ang karakter ni Shaina Magdayao, na noon ay nagkagusto sa kanyang guro sa high school.

"Yung character ko dito ay simpleng bata na nag-aaral at mahilig sa pagsusulat, sa paglikha ng mga tula, na nagkagusto sa teacher," kuwento ni Loisa.

 

May pitong episodes ang web series na Past Present Perfect na pagbibidahan nina Loisa, Shaina at Vin Abrenica. Ito ay mula sa direksyon ng FAMAS 2019 Best Director na si Dwein Baltazar.

Dagdag ng Kapamilya actress, hindi nalalayo sa kanya ang karakter na Shantal dahil aminado siyang may bilib sa mga writers. 

"Bilib kasi ako sa mga writers, o sa mga songwriters, sa mga (scriptwriters). Hindi ko alam kung paano nila nagagawa yung ganon, sobrang lawak ng imagination nila para makagawa ng magandang istorya, magandang kanta," paliwang ni Loisa.

 

Mapapanood ang Past Present Perfect ng libre sa iWant app simula May 31.