Dennis Padilla, gustong makausap si Joshua Garcia

Bilang ama, hangad lamang daw ni Dennis Padilla na maging maayos ang relasyon ng anak na si Julia Barretto sa napapabalitang boyfriend nito na si Joshua Garcia.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/20/2019 9:28 AM
Dennis Padilla, gustong makausap si Joshua Garcia


Limitado man ang mga pagkakataon, nais makausap ng actor-comedian na si Dennis Padilla si Joshua Garcia, ang napabalitang special someone ng kanyang anak na si Julia Barretto.

Kuwento ni Dennis, nang minsan itong makausap ng PUSH at ABS-CBN News sa isang showbiz event, inamin niya na sa text message lang niya nakakausap ang kanyang anak lalo na tuwing may pinagdadananan ito.

“Hindi masyado e (nakakausap si Julia) kasi alam niya na medyo bad shot sa akin si Joshua kaya hindi na siya nag-open up sa akin,” sabi pa ni Dennis.

Aniya, nakakarating sa kanya kung may pinagdadaanan ang kanyang anak, lalo na sa buhay pag-ibig nito at bilang ama ni Julia, hangad niya na maging maayos ang relasyon ng kanyang anak kay Joshua.

“Maayos pa naman siguro ‘yun pero up to today, I’m still waiting for Joshua to reach out to me and mukhang hindi niya (pa) ata kaya and wala siguro sa personality niya na mag-reach out,” sabi pa ni Dennis.

“I did my part, kasi one time I texted him, I tried to call him, talk to him. Ang sabi naman sa akin, baka naman daw natatakot,” patuloy pa niya.

READ: Dennis Padilla admits he is disappointed with Joshua Garcia

Paglilinaw ni Dennis, nais lang niya na makausap at kamustahin si Joshua.

“Kamusta ka na? Kamusta na kayo ng anak ko? ‘Yun lang naman, ang importante, masaya sila ng anak ko ngayon, happy na ako. Ang sinasabi ko nga sa ibang tao pagka-sobrang init na sa kusina, lumabas ka na, kung kaya mo pa ang init sa kusina, ipag-patuloy mo pa ang pagluluto diyan,” ani Dennis.

Hindi man daw ngayon, umaasa ang ama ni Julia na makausap niya minsan si Joshua.

“E ano ba naman gagawin ko, ka kausapin nga kita, bakit naman ako gagawa ng isang bagay na ikasisira ko at ikasisira ng anak ko, I just want to talk to him, if given a chance. E nag-die down na ang issue kaya sabi ko  hayaan na lang natin. Anyway, baka magkasalubong naman kami sa ABS-CBN, e ang liit ng mundo, di ba?” pabirong pagtatapos ni Dennis.