Bangayan ni Moira at Regine sa ‘Idol PH,’ scripted?

Nagbigay ng payo si Moira sa mga aspiring singers na patuloy na hinahanap ang kanilang sariling tunog.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/20/2019 9:15 AM
Bangayan ni Moira at Regine sa ‘Idol PH,’ scripted?


Sa patuloy na paghahanap ng kauna-unahang Pinoy idol sa Idol Philippines, binigyang linaw ng Kapamilya singer at isa sa mga tumatayong hurado nito na si Moira dela Torre na all is well sa kanila ng fellow judge na si Regine Velasquez.

Matatandaan na kamakailan, naging usapan ang tila nabuong tensyon sa pagitan ni Regine at Moira dahil sa pagkakasunod-sunod ng mga Idol hopefuls na ang peg ay ang singing style ni Moira.

READ: Regine Velasquez at Moira Dela Torre, may iringan nga ba?

Kuwento ni Moira, pahirap ng pahirap ang kanilang trabaho sa pamimili ng deserving singer para tawaging ‘idol.’

“Ang dami po kasi nila na magaling, actually lahat sila magaling to the point na hirap na hirap kaming lahat,” tugon ni Moira sa PUSH at ABS-CBN news.

Aniya, tunay ang mga nagaganap sa audition room na napapanood tuwing weekend. 

“Totoo naman po, (scripted?) hindi. Totoo po ‘yun. Kasi sunod-sunod sila , hindi ko nga alam na sunod-sunod din ba pinakita ‘yung audition, tapos hindi ko alam na ako din ‘yung influence nila, so noong pang tatlo na, nagtago na ako (beside James Reid) alam ko na sasabihin niya (Regine Velasquez), but after every taping, we’re so light and masaya po kami sa set,” sabi pa niya.

Sa usapin naman ng pagdami ng mga gumagaya sa kanyang tunog paliwanag ng singer, “Kahit naman po ako, in my eleven years trying to find my own sound, ang dami ko na din naging sound and ngayon lang din ako naging confident sa sound ko kahit na sabihin pa bebe or electric fan ‘yung boses ko, I’m okay, I’m confident, this is my sound and you’ve nothing to say about it,” sabi pa ni Moira.

Dahil kilala din bilang produkto ng talent search, ramdam ni Moira ang nararamdaman ng mga hopefuls tuwing sila ay naliligwak sa auditions.

“Alam ko ‘yung feeling na ma-reject, so ang dali lang po na i-encourage sila lalo na nung nag-eliminate na kami, ‘yung mga na-eliminate nilapitan ko. It was so easy for me to reach out to them kasi I was credible enough to say na ‘alam mo if may naniniwala sa second chance ako ‘yun,’” paliwanag pa niya.

Dito, nagbigay saloobin pa si Moira sa mga aspiring singers na tila nagiging peg siya sa pag-kanta.

“Alam ko din po na un-conscious ‘yun pero kahit po ako noon, naging influence ko si Brooke Fraser, naging kaboses niya ako for a while, si Sarah Bareilles, naging kaboses ko din siya and si Nora Jones, it just took one person to believe in me and give me a chance and eventually I found my own self.” 

Bukod sa Idol Philippines, naghahanda na din si Moira sa kanyang upcoming concert at album launch na gaganapin soon ngayong 2019.