• Home
  • Fresh Scoops
  • Bangayan ni Cassie at Marga sa ‘Kadenang Ginto,’ totohanan na nga ba?

Bangayan ni Cassie at Marga sa ‘Kadenang Ginto,’ totohanan na nga ba?

Naikukumpara ngayon bilang bagong henerasyon ng ‘Mara at Clara’ sina Andrea Brillantes at Francine Diaz.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/20/2019 8:53 AM
Bangayan ni Cassie at Marga sa ‘Kadenang Ginto,’ totohanan na nga ba?


Sa patuloy na bangayan at sagutan ng mga karakter ni Cassie at Marga sa tumitinding mga eksena tuwing hapon sa Kadenang Ginto, binigyang linaw ng mga teen actresses na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz na malayo ang kanilang relasyon sa tunay na buhay sa kanilang mga ginagampanan sa TV.

 

Kuwento nina Francine at Andrea, pamilya ang turingan nila sa set kung saan magkakasama sila araw-araw.

“Sa set po ng Kadenang Ginto, hindi po namin timuturing ang mga sarili namin bilang mga artista, tinuturing po namin lahat as family po, and nagtutulungan po kami, lalo na sina Ate Dimples (Romana), sina Ate Beauty (Gonzales). 'Pag may mga eksena po na mabigat nagtutulungan po kami,” paliwanag ni Francine, na gumaganap sa papel na Cassie.

LOOK: Meet the ‘Gold Squad’ of the hit afternoon series Kadenang Ginto

Gaya ni Francine, todo man daw ang bangayan ng mga karakter nila sa telebisyon, ibang-iba naman daw ang kanilang relasyon sa isa’t-isa sa tunay na buhay.

“Girl friends po kami” masayang tugon ni Andrea aka Marga.

Napa-kuwento pa si Andrea sa favorite bonding moment nila ni Francine.

“Actually napaka-random po ng mga topics po namin, kung paano nabuo ang mundo, end of the world, zombies mga ganun po. Kung ano-ano po pinaguusapan po namin, sabi pa ni Andrea.

 

At dahil madalas din na nakakasama ni Francine at Andrea si Beauty at Dimples, ramdam umano ng dalawang batang aktres ang suporta ng mga ito sa kanila.

“Parang ate ko na talaga silang dalawa, kapag mayroon akong mga problema, naisi-share ko sa kanila tapos, tinutulungan nila kami,”  pahayag ni Andrea.

Sa ngayon, dapat ay abangan pa din tuwing hapon ang nagliliyab na mga sagutan ni Cassie at Marga sa Kadenang Ginto, Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Gold.