• Home
  • Fresh Scoops
  • Who will be the next Darna? Auditions for Darna are now open to the public

Who will be the next Darna? Auditions for Darna are now open to the public

Star Cinema at Star Hunt, iniimbita ang publiko na mag-audition para sa role ng Darna.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/2/2019 9:23 AM
Who will be the next Darna? Auditions for Darna are now open to the public


Photo credit: news.abs-cbn.com/ starcinema

Ayon sa ulat ni MJ Felipe sa TV Patrol, sa pamamagitan ni Star Cinema Managing Director Olivia Lamasan at ni Laurenti Dyogi, inanunsyo na ang pagkakaroon ng mas malawak na auditions para sa bagong Darna.

Ayon kay Direk Olive, nagkaroon na ng auditions para sa mga artista pero gusto pa daw nilang lawakan ang paghahanap. “We hade several auditions from our very own artists from Star Magic. Kahit yung mga past contestants ng beauty pageants. May mga athletes rin in fact. Nagkaroon na rin ng shortlist si Direk Jerrold Tarog but we would want to keep the field open.”

READ: 2020 target date ni Jerrold Tarog para sa paglipad ni ‘Darna’

Dahil dito nakipag-tie up ang Star Cinema sa programang Star Hunt para sa mas malawakang Darna search. 

Dagdag ni Direk Olive, “Because for all we know, MJ, merong mga undiscovered talents diyan sa tabi-tabi, sa sulok-sulok dito sa Pilipinas. And of course we wouldn’t want to leave any stones unturned.”

Pero ano nga ba talaga ang qualifications ng isang Darna? Sagot ni Direk Olive, “Personally, we would want to keep our minds open. Minsan kasi pag may nag-audition ‘di ba, parang sa pigura parang hindi, pero pag nagsalita, pag tiningnan mo sa mata, pag nagsimulang umarte even in her very rawness bida din.”

Ayon naman kay Direk Laurenti, hindi sila naninigurado na sa Star Hunt auditions makikita ang bagong Darna. “The Star Hunt audition is not a promise. It’s not a commitment na dun makukuha ang Darna. Ito lang ay isang pagkakataon para sa ating mga kababayan na mag-audition at umapela na sila ang tamang Darna,” paglilinaw ni Direk. 

Magsisimula na ang Darna hunt ngayong weekend May 4 at May 5 sa ABS-CBN center road. Iaanunsyo din sa mga susunod na linggo ang schedule ng Darna hunt sa iba pang probinsya.