• Home
  • Fresh Scoops
  • Tom Rodriguez enjoys playing a non-traditional priest in ‘Maledicto’

Tom Rodriguez enjoys playing a non-traditional priest in ‘Maledicto’

Tom Rodriguez, sinagot ang tanong kung nagli-live in na sila ni Carla Abellana.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/2/2019 12:06 PM
Tom Rodriguez enjoys playing a non-traditional priest in ‘Maledicto’


Inamin ni Tom Rodriguez na nag-worry sa kanya ang girlfriend na si Carla Abellana habang sinusyuting niya ang pelikulang Maledicto kaya binigyan siya nito ng charm bracelets na pangontra sa bad spirits.

Role ng isang pari, si Fr. Xavi, na isa ring psychologist ang pino-portray ni Tom sa horror film na Maledicto na ang producer ay FOX with Cignal Entertainment and Unitel bilang mga co-producer.

Ani Tom, “First time ko to play a priest, but he is an off-beat type but I enjoyed it. Kahit sa mga previous projects ko never pa akong naging priest.

“Yung character ko dito is hindi yung traditional na priest talaga. Sa pamilya ng priesthood nila, sa parish nila, si Fr. Xavi (his character name) yung medyo black sheep,” deskripsyon ni Tom about his role in the movie.

Eh, paano niya naman ide-describe ang status ng relasyon nila ngayon ni Carla?

Hindi pa ba sila nagli-live-in?

We still have our own places, pero we make it a point na lagi kaming nagkikita. So, either ako ang pumupunta o kung kaya niya naman, siya ’yong bumibisita.

“Kasi, sa work natin iba, eh. Hindi tayo ’yung 9 to 5 na job. Hindi ’yung typical. Kaya minsan, kailangan din ng modernong pang-unawa.

“I still try to give respect. Siyempre, respect sa family niya, respect sa kanya rin bilang babae. Pero at the same time, nagbi-build kami ng relationship na kailangan alagaan din at ingatan.

“Hindi pupuwede na kunwari, lulong ako sa trabaho, hindi na kami magkikita, wala kaming oras para sa isa’t isa. So, we always make it a point to make time for each other,” dire-diretsong paliwanag ng dating PBB housemate.

Hindi naman itinanggi ni Tom na minsan ay nag-i-sleep over din siya sa place ni Carla.

“Oo, pero we still keep it very respectful,” diin niya.

Showing na ang Maledicto noong May 1 at kasama rin ni Tom sa pelikulang idinirek ni Mark Meily sina Jasmine Curtis Smith, Miles Ocampo, at Inah de Belen.