REVIEW: ‘Maledicto’ is proudly Pinoy

Magaling ang pagganap ng mga artista lalo na si Miles Ocampo bilang isang character na nasapian.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/2/2019 1:15 PM
REVIEW: ‘Maledicto’ is proudly Pinoy


Kung takot factor ang pag-uusapan, makakakuha ng 8 out of 10 ang Maledicto para sa PUSH. Mapapasigaw ka pero mas nakakatawag ng pansin ang paghahabi ng kuwento at pagsasama-sama ng lighting, musika, storytelling, at direction para maka-create ng mood na suspenseful at nakakapanindig balahibo. 

Malaking bagay din ang presence ng mga artista na nagbigay ng hustisya sa mga characters na ginaganapan nila. Kuhang-kuha ni Tom Rodriguez ang angas at panache ni Father Xavi. Sa kabila ng coolness na pinapakita ng character, nakatago ang denial at guilt na nararamdaman niya. Nadala ito ng maayos ni Tom ngunit kulang pa ng kaunting push sa eksena para ipakita ang pain ng character niya. May silent scene kung saan lumuha si Father Xavi pero mas maiintindihan ito ng manunuod at mas magiging relatable kung merong eksena na babali sa pagiging cool niya all throughout the film. Nakaka-alienate din ng manunuod ang minsan matataas na ingles na ginagamit ni Father Xavi at maging ng ibang characters sa pelikula.

Bagamat kalmado din ang character ni Jasmin Curtis-Smith bilang Sister Barbara, on point naman ang pag-arte na binigay ng aktres sa kanyang karakter. Ramdam mo ang sinseridad ng character, pero tila kulang ito ng pasilip sa pagkatao si Sister Barbara. Bukod sa mabuting madre na kaibigan ng character ni Miles Ocampo (Agnes); at nakakakita ng mga “kaibigan” o demonyo na umaaligid sa nasapiang si Agnes, walang silip ng loob ni Sister Barbara. Dahil dito hindi ganoon kalakas ang nagiging kapit sa kanya ng manunuod.

Nilaro ni Miles ang character niyang si Agnes. Mula sa pagiging mabait na estudyante hanggang sa maging isang malandi at mapangahas na character, hanggang sa ma-possess na nang tuluyan ng demonyo ay nadala ni Miles ng maayos at maganda ang kanyang character. Ganunpaman, sinabi lang sa pelikula na ayaw ni Miles mag-stay sa bahay nila kung saan may pagka-repressive ang magulang niya na sobrang mga relihiyoso. Mas mauunawaan sana ang character kung pinakita ang buhay na meron si Agnes o ang relasyon niya sa mga parents niya kesa sinabi lang ito.

Nakakatakot din ang mga eksena ni Inah De Belen lalong-lalo na ang opening scene na nag-set ng mood para sa pelikula. Believable at kinapitan si Inah bilang nakakatakot na character, pero again ano ba ang inner story ng character niya? 

Malaki din ang contribution ng magagaling na supporting cast tulad nina Eric Quizon, Liza Lorena, Franco Laurel at iba pa.

Napakaganda naman ng paghahabi ung kwento at pagkaka-direk ni Mark Meily ng pelikula at production-wise ay mapapabilib ka talaga dahil international ang feel nito. Story-wise, pulido at pinaghirapan ang research at pagkakalatag ng facts at procedure ng exorcism. Ganunpaman, nakakabagot nag ilang eksena na puro pagpapaliwag ng steps ng exorcism. 

All in all, nakaka-proud ang Maledicto na unang pelikula ng Fox Philippines. Hindi tila pang-masa ang appeal ng pelikula kundi para sa mas mga edukadong mga manunuod. 

LOOK: Meet the cast of the horror film Maledicto