Paghahanap ng bagong Mutya ng Pilipinas sinimulan na

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/2/2019 12:50 PM
Paghahanap ng bagong Mutya ng Pilipinas sinimulan na


Photo credit: I am Cory Quirino's Facebook

Umarangkada na sa pag-iikot sa iba’t-ibang bayan ng Pilipinas ang grupo ni Cory Quirino para hanapin ang bagong kokoronahan bilang Mutya ng Pilipinas.

Sa Facebook post ng bagong pageant chairperson, ibinahagi nito ang unang araw ng kanyang paglibot sa mga bayan ng Pilipinas para hanapin ang susunod na Pinay beauty queen.

Ito din ang masasabing pagbabalik pageant scene ni Cory matapos ang naging pagbibitiw noong 2016 bilang franchise holder ng Miss World Philippines.

Matatandaan din na ito ang taon kung saan naging manok ng Pilipinas sa Miss World si Catriona Gray na reigning Miss Universe ngayon.

Inaasahan na ngayong August kokoronahan na ang 2019 Mutya Ng Pilipinas.