• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Pag nagagalit, hindi siya beauty queen’: Lorin and Venice Gutierrez describe their mom Ruffa Gutierrez

‘Pag nagagalit, hindi siya beauty queen’: Lorin and Venice Gutierrez describe their mom Ruffa Gutierrez

Nakakatakot man kung magalit para sa kanyang mga anak, madali namang daw makalimot si Ruffa Gutierrez, ayon kina Lorin at Venice Gutierrez.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/2/2019 12:56 PM
‘Pag nagagalit, hindi siya beauty queen’: Lorin and Venice Gutierrez describe their mom Ruffa Gutierrez


Photo credit: @iloveruffag on Instagram

Bukod sa mga hinandang challenges ng Magandang Buhay team para sa magkapatid na sina Lorin at Venice Gutierrez, naging masaya ang kuwentuhan ng dalawa kasama ang mga momshie hosts, kahapon, May 1 sa morning talk show.

Ikinuwento kasi nina Lorin at Venice kung paano sila dinidisiplina ng kanilang beauty queen mom na si Ruffa Gutierrez.

"When she's mad, she does not want to see us na. She just wants us to be in our room and be alone," kuwento ni Lorin. "We'll stay there for like mga one hour, tapos we have to apologize," dagdag naman ni Venice.

Biro pa ni Lorin, nawawala ang pagka-beauty queen ng kaniyang ina kapag totoong nagagalit na ito. "Pag nagagalit siya hindi siya beauty queen. Nawawala yung… very scary," ani Lorin. 

Sa kabila nito, inamin naman ng magkapatid na hindi kayang tiisin ni Ruffa ang matagal na pagpaparusa sa kanila kapag may kasalanan.

Una nang ikinuwento ni Lorin sa Magandang Buhay ang magandang samahan nila ng kanyang ina, noong ilarawan niya ito bilang 'cool mom.'

READ: Lorin Gutierrez describes mom Ruffa as a ‘cool mom’

LOOK: Get to know Lorin Gutierrez in these photos

Panuorin ang interview nila dito:

Si Lorin at Venice ay anak ni Ruffa sa dati nitong asawa na si Yilmaz Bektas.