Ivana Alawi: ‘My ambition is to be a sexy star’

Ivana Alawi, walang alinlangan sa mga intimate scenes nila ni Kit Thompson.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/2/2019 9:12 AM
Ivana Alawi: ‘My ambition is to be a sexy star’


Makikilala na ang bagong Kapamilya sexy actress na si Ivana Alawi sa Sino ang May Sala?: Mea Culpa.

READ: ‘Latin flair with an Asian twist’: Netizens react on upcoming crime-thriller teleserye Mea Culpa

Ayon sa ulat ng TV Patrol, gaganap si Ivana bilang Lolita, isa sa anim na lawyers. 

Una nang nagkaroon ng big break si Ivana nang maging 2018 cover girl siya. Napanuod na rin si Ivana sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Pinangarap daw noong una ng Pinay Moroccan model na makapasok sa bahay ni Kuya, pero sa halip nabigyan siya ng role sa Sino Ang May Sala. Proud si Ivana sa pagkakasama niya sa inaabangang teleserye. “Sobrang ganda ng story niya, kakaiba. Abangan niyo na lang.”

Wala din siyang alinlangan sa mga intimate scenes nila ni Kit Thompson na mapapanuod sa IWant version ng naturang serye.

Masaya si Ivana dahil unti-unti natutupad na daw ang mga pangarap niya. “My ambition is to be a sexy star. Gusto ko yung medyo daring. Kung mapapakita ko kung ano meron, yun. Show it if you have it.”