Is It’s Showtime’s Stephen Robles male or female?

It’s Showtime’s Stephen Robles answers questions about gender.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/2/2019 9:17 AM
Is It’s Showtime’s Stephen Robles male or female?


Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni It’s Showtime member Stephen Robles na hindi pa niya nakikita ang kanyang biological father. “Hindi ko pa po siya nakikita, Tito Boy,” kuwento ni Stephen kay King of Talk Boy Abunda. 

Kung sakaling makikita niya raw ang kanyang ama, ang gusto niyang itanong dito ay, “Bakit ka umalis?” 

Hindi daw kasi naging malinaw sa kuwento ng ina ni Stephen kung ano ang dahilan kung bakit sila iniwan ng ama niya. Ani Stephen, “Hindi po malinaw e. (Ang sabi lang) pagkapanganak sa akin ng mama ko, hanggang sa mag-nine months ako, umalis na yung papa ko.” 

Ganunpaman, nakausap na daw ni Stephen ang ama dahil tinulungan siya ng isang kaibigan na hanapin ito. “Nakausap ko na through phone. Sobrang saya ko po nun. Saka naiyak din po ako nung first time ko sya makausap,” kuwento ni Stephen.

Hindi na rin daw niya natanong ang ama kung bakit ito umalis dahil, “Ang sa akin kasi nauna yung kasiyahan ko nun, Tito Boy e. Parang hindi naging importante sa akin yung mga tanong.”

Hindi naman daw nagalit ang ina ni Stephen dahil sa hindi niya kaagad sinabi na nakausap niya ang papa niya. “Hindi po siya nagalit na tinago ko pa sa kanya. Masaya siya para sa akin na nakausap ko ang papa ko,” pagpapatuloy ni Stephen. 

Nag-apologize din daw ang papa ni Stephen na isang American at kung may isang hiling man daw si Stephen ay, “Magkita kami ng papa ko.”

Inamin din ni Stephen na crush siya si It’s Showtime host Ryan Bang. 

Nang tanungin naman kung babae o lalaki ang gender ni Stephen, ngumiti lang ito at sinabing, “Tito Boy, isa akong dalagang Pilipina.”