• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga, may mensahe para sa amang si Bonoy matapos matalo sa eleksyon

Toni Gonzaga, may mensahe para sa amang si Bonoy matapos matalo sa eleksyon

Para kay Toni Gonzaga, mabuti muna para sa kanyang ama na mag-focus sa kanyang pamilya.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/19/2019 2:51 PM
Toni Gonzaga, may mensahe para sa amang si Bonoy matapos matalo sa eleksyon


Photo credit: @tonigonline IG

Isa ang ama nina Toni at Alex Gonzaga sa mga tumakbo ngayong eleksyon ngunit hindi pinalad si Carlito “Bonoy” Gonzaga na makuha ang mayoral seat. Si Bonoy ay ang Vice Mayor ng Taytay, Rizal.

Matapos lumabas ang resulta ay sinabi ni Toni na “May relief” at “Makakahinga na nang maluwag na kahit paano, makakapahinga na at makakapag-focus na on the future.”

Nagpasalamat din siya sa mga sumuporta sa kanyang ama. Sa panayam ng ABS-CBN News sinabi ni Toni na mas mabuti pang mag-focus ulit ang kanilang daddy Bonoy sa kanilang pamilya dahil mahigit isang dekada rin naman na daw siyang nanilbihan sa bayan.

“Sa ngayon, we want him to enjoy his life, spend time with his family first. For how many years, he’s been dedicating his life to public service. Sabi ko, mag-focus muna siya sa family, and enjoy his time with his apo, si Seve,” aniya.

“Sabi namin, baka it’s time with the family muna, for this season in his life. Family muna! Kasi for 12 years bayan ang una. E ngayon, family muna,” dagdag ng Home Sweetie Home star.