• Home
  • Fresh Scoops
  • Harlene Bautista, ibinunyag kung ano ang mga plano ni Herbert Bautista pagkatapos sa pagiging alkalde

Harlene Bautista, ibinunyag kung ano ang mga plano ni Herbert Bautista pagkatapos sa pagiging alkalde

Ikinuwento din ni Harlene Bautista ang iba’t-ibang plano ng kanilang film production company.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/19/2019 2:41 PM
Harlene Bautista, ibinunyag kung ano ang mga plano ni Herbert Bautista pagkatapos sa pagiging alkalde


Photo credit: @jamgozonserjo on Instagram

Ibinahagi ni Harlene Bautista, kapatid ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista, kung ano ang magiging plano ng actor-politician ngayong hindi na siya alkalde ng Quezon City.

Technically, hanggang hindi pa natatapos ang June 30 ng 2019 ay mayor pa rin si Herbert ng Quezon City. Mag-i-end ang kanyang termino 12 noon ng Jun 30.

“Hanggang June 30, 12 noon I think matatapos yung pagka-mayor niya. Ang sinabi niya, he wants to spend more time with the kids, with his children.

“So I guess nagpaplano sila ng mga trips, ganun. And to support his kids sa kanya-kanyang endeavors, like sa trabaho, sa careers nila, to guide them properly.

“And sa amin naman, gusto niya… parang napapag-usapan namin yung more about the productions (Heaven’s Best Entertainment). Kung ano yung direksyon na gustong mangyari, yung mga puwedeng gawin. And siya, siguro meron pa rin siyang ibang gagawin,” tuluy-tuloy na kuwento ni Harlene sa PUSH.

Ang Heaven’s Best ang producer ng award-winning film na Rainbow’s Sunset na pinagbidahan nina Gloria Romero, Eddie Garcia at Tony Mabesa.

Meron pa ba siyang dream project para sa kanilang kompanya?

“Actually, hindi ko thoughts, hindi ko idea, idea ito ng isang director, siya yung nagbanggit sa akin na gusto naming gawin yung sequel ng Broken Marriage nina Vilma (Santos), Boyet (de Leon), ako yung anak nila don at si Richard Arellano. So, kami pa rin yung cast, tumanda na, yon yung gusto naming magkatotoo,” lahad niya.

Nakausap na ba niya si Vilma tungkol dito?

“Napahapyawan ko na siya last year, nung birthday ni Mother Lily (Monteverde). Sabi ko, ‘Mommy….’”

Eh, how about the sequel of Rainbow’s Sunset?

“Hindi pa siya final, pero napapag-usapan na namin ni Direk Joel. Parang Rainbow pero hindi talaga siya sequel ng Rainbow.

“Kasi ang hirap sundan nung Rainbow’s Sunset, di ba? Kailangan din magandang-maganda yung istorya,” sagot ni Harlene sa amin.

Nakausap ng PUSH si Harlene sa bagong branch ng Salu restaurant na matatagpuan sa UAP Headquarters, No. 53 Scout Rallos St., Quezon City.