Gerald Anderson, inaming ‘playboy’ noon

Pag-amin din ni Gerald Anderson, nilapitan niya si Kim Chiu matapos ang viral na tuksuhan sa episode ng ‘It's Showtime.’

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/19/2019 12:55 PM
Gerald Anderson, inaming ‘playboy’ noon


Photo credit: @andersongeraldjr on Instagram

Isa-isang sinagot ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson ang mga 'assumptions' sa kanya, sa episode ng Tonight with Boy Abunda noong Biyernes, May 17. 

Hindi itinanggi ng aktor ang isyu ng pagiging 'playboy' niya di umano noon. "I've had that stage, dumaan ako doon," pahayag ni Gerald. 

Dagdag ng aktor, kung noon ay naba-bother siya sa tuwing sinasabihan siyang 'playboy,' ngayon ay nasanay na siya at hindi na niya iniisip. 

WATCH: Kim Chiu, muntik “mag-walkout” sa It’s Showtime nang asarin kay Gerald Anderson

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Always be kinder than you feel .. thank you @metrodotstyle

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr) on

 

READ: Seven Reasons why ‘Between Maybes’ can be one of your favorite ‘hugot’ films

Samantala, nagbigay din ng reaksyon si Gerald matapos pag-usapan online ang isang episode ng It's Showtime kung saan inasar siya sa dati niyang ka-love team na si Kim Chiu. 

"Nakakatuwa lang, kasi wala ako dito ngayon, if not for her—to have that kind of dynamics pa rin, you know it's nice," ani Gerald, na inamin ding kinausap niya si Kim matapos ang nasabing pang-aasar.

"Just to greet her a belated happy birthday. May small talk ng konti. We were talking about yung nangyari sa stage," kuwento ng Between Maybes actor. 

Marami ang natawa sa naturang episode ng noon time show, at may mga KimErald fans din ang nagsabing may 'chemistry' pa rin hanggang sa ngayon sina Kim at Gerald. 

Panuorin ang interview dito:

Showing pa rin ngayon sa mga sinehan ang bagong pelikula ni Gerald, ang Between Maybes. Katambal si Julia Barretto, ang pelikula ay mula direksiyon ni Jason Paul Laxamana, ang gumawa ng 100 Tula Para Kay Stella at The Day After Valentines.