• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga, bittersweet sa pagsisimula ng ‘Home Sweetie Home: Extra Sweet’

Toni Gonzaga, bittersweet sa pagsisimula ng ‘Home Sweetie Home: Extra Sweet’

Siniguro din ni Toni Gonzaga na maliligayahan ang manunuod sa kanilang pagtutok sa ‘Home Sweetie Home: Extra Sweet’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/18/2019 1:10 PM
Toni Gonzaga, bittersweet sa pagsisimula ng ‘Home Sweetie Home: Extra Sweet’


Bagong pamilya tuwing Sabado ang mapapanuod sa Kapamilya sitcom na Home Sweetie Home: Extra Sweet.

Dito, makakasama ni Toni Gonzaga sina Rio Locsin, Bayani Agbayani, Yamyam and Fumiya, Vhong Navarro, Alex Gonzaga, at Luis Manzano na bagoong tauhan na magbibigay saya sa mga manunuod.

Para kay Toni, maituturing niya na blessing ito sa kabila ng mga pangyayari sa programa.

“It has been a beautiful journey para sa programa since nag start siya 2014. Maraming nangyaring transition, maraming pinagdaanan ang show and nagpapasalamat kami dahil may mga sumusuporta pa din sa aming programa,” tugon niya sa press.

At ngayong bagong yugto para sa programa, siniguro ni Toni na hindi mabibigo ang kanilang mga manunuod.

“Ngayong bagong yugto na po ng Home Sweetie Home, pinapangako namin na kaya siya extra sweet dahil pinagsama-sama po ng management at ng desisyon po ng Home Sweetie Home family ‘yung mga bago namin na Kapamilya na nandito ngayon na tiyak na mag-papasaya sa inyo at mas mararamdaman niyo ‘yung tunay na essence ng isang pamilya,” ani ng aktres.

Kuwento pa ni Toni, maaga niyang naihanda ang kanyang sarili sa mga pagbabago sa programa dahil sa mga hindi inaasahan na mga pagbibitiw ni John Lloyd Cruz bilang kanyang kapareha sa sitcom.

“Ako from the start na nagkaroon kami ng big challenge, nagkaroon ng challenge ang programa, na-ihanda ko na ‘yung sarili ko, hindi naman tayo bago sa industriya and alam natin na shows come and go talaga. So I was already prepared at that time na mag-end ang chapter ng Home Sweetie,” paliwanag niya.

Magkahalong emosyon ang kanyang nararamdaman para sa pagsisimula muli.

 

 

 

 

 

 

“Mixed emotions actually. May part na malungkot ka, I’m sure lahat kami dito sa programa alam namin lahat ‘yung pakiramdam na maging attached ka sa grupo na isang pamilya at mga ka-trabaho na matagal mo nang nakasanayan. There’s a big part of you na hindi mawawala ‘yun,” aniya.

“With a heavy heart, we closed that chapter. But with a hopeful one, with that hopeful that part again, I’m very happy to think forward and to think for this family na nabuo namin ngayon,” pahayag pa ng actress-TV host.

Mapapanuod tuwing Sabado ang Home Sweetie Home: Extra Sweet sa ABS-CBN.