• Home
  • Fresh Scoops
  • Sue Ramirez on Joao Constancia: ‘It’s what he says to me that matters’

Sue Ramirez on Joao Constancia: ‘It’s what he says to me that matters’

Sue Ramirez, hindi apektado na hindi masyado nagse-share si Joao Constancia tungkol sa kanila.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/18/2019 1:27 PM
Sue Ramirez on Joao Constancia: ‘It’s what he says to me that matters’


Photo credit: @boyband_joao on Instagram

Sa Tonight with Boy Abunda, giniit ni Sue Ramirez na hindi naging sila ni Ronnie Alonte. Ani Sue, “Hindi talaga.”

Pinili namang wag sumagot ni Sue sa tanong kung sinong mas magaling humalik sa pagitan nina rumored boyfriend niyang si Joao Constancia at ang kanyang former love team partner na si Arjo Atayde. 

READ: Did Sue Ramirez just confirm relationship with BoybandPH member Joao Constancia?

Sino naman kaya ang huling babaeng pinagselosan ni Sue? “Hindi ako masyadong selosa. Saka wala naman akong dahilan. Hindi naman ako nabigyan,” sabi ng aktres.

Sa tanong naman ng King of Talk Boy Abunda na, “Do you take offense pag si Joao doesn’t talk much about you in interviews?” ang sagot ni Sue ay, “It’s not what he says to other people about me, it’s what he says to me that matters. It’s not what he shows other people, it’s what he shows me.”

Ang importante para kay Sue ay yung pakikitungo nila ni Joao sa isa’t isa at hindi yung sasabihin ng mga tao. “Doesn’t really matter what other people say, basta okay naman kami. Wala naman kaming problems,” sabi ng dalaga.