• Home
  • Fresh Scoops
  • Raymond Bagatsing, na-‘fascinate’ sa pagkatao ni Manuel Quezon

Raymond Bagatsing, na-‘fascinate’ sa pagkatao ni Manuel Quezon

Quezon’s Game writer Dean Rosen idiniin that Manuel Quezon was a Filipino President who ‘saved lives.’

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/18/2019 9:04 PM
Raymond Bagatsing, na-‘fascinate’ sa pagkatao ni Manuel Quezon


Sa media launch ng pelikulang Quezon’s Game na umani na ng mahigit 20 international awards as of this writing, nag-kuwento si Raymond Bagatsing na gumanap sa titular role kung paano niya pinaghandaan ang ito.

Bukod sa pagbabasa ng articles at libro na patungkol kay Quezon ay nanuod din siya ng speeches ng second President ng ating bansa. “Pinapanuod ko all day sa YouTube yung mga speeches niya not only because I was studying him, but I was observing and absorbing him,” ani Raymond.

“Fascinated” daw si Raymond sa pagkatao ni Quezon. Kinumpara din daw niya si Quezon kay Ferdinand Marcos dahil daw para sa kanya ay example si Marcos ng “intelligence and wit.” Pero kung ganoon naman si Marcos, nakita naman ni Raymond na si Quezon ay “more lively, very real and authentic.”

Papuri pa ng aktor kay Quezon, “more than authentic, I felt he was really giving to the people… when he speaks to people he gives his heart, his whole body… The gestures are big and when he smiles, he really smiles. When he jokes, he really jokes and he really gives so much of himself.

“Quezon is a great man,” ani Raymond. Pero kahit na diumano “super human” si Quezon ay “very ordinary, loving husband” din ito. Bukod pa dito may mga vices ang dating Presidente ng bansa. “May mga vices siya. Mahilig siyang uminom ng scotch with his friends. Mahilig siya mag-tobacco. That’s why he died of tuberculosis but he works hard at the same time,” ani Raymond.

“Well-rounded poker player” din si Quezon ayon kay Raymond. Dahil daw sa mga katangiang ito ay mas nagiging “interesting” si Quezon. “Yung taong-tao na nag-eenjoy ng buhay, mahilig tumawa, mahilig mag-joke at nakiki-party pero seryoso siya sa day time as President,” kwento ni Raymond.  

Ano naman kaya ang natutunan ng aktor sa dating Presidente ng bansa? Ani Raymond, “Marami akong natutunan sa pagiging Filipino ko.”

Paliwanag niya, “Yung pusong Pilipino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob…Duon ko nakita na kahit maliit na bansa lang tayo amongst the first world countries … yet we went out of our way to help a people, a super people… They needed our country’s help. Maliit lang tayo, pero nakita ko na ang puso natin lampas-lampas sa kakayanan.”

Dahil sa mga natutunan ng aktor kay Manuel Quezon, sa tingin niya kaya ano ang magiging reaksyon ng isang magiting na lider sa resulta ng katatapos lang na eleksyon?

Sa puntong ito, pinili ng isa sa mga writers ng pelikula na si Dean Rosen na sumagot sa tanong. Ani Dean, “That is part of the reason why I was inspired to write the story… because this was a story about a Filipino President who saves lives…” “Saves lives,” pagbibigay diin pa ni Dean.

“He did it while he was dying. In the face of death, he was dying of tuberculosis, he chose to save and that’s all I’m going to say about it,” pagtatapos ni Dean.