• Home
  • Fresh Scoops
  • McCoy de Leon, nagpasalamat sa dating katambal na si Maris Racal

McCoy de Leon, nagpasalamat sa dating katambal na si Maris Racal

McCoy de Leon: “Never niya akong ginawang masama.”

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/18/2019 5:49 PM
McCoy de Leon, nagpasalamat sa dating katambal na si Maris Racal


Photo Credit: @hashtag_mccoydl @mariesteller

Muling nagbabalik ang tambalan nina McCoy de Leon at Maris Racalpara sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado, Mayo 18.

Sa episode ng Magandang Buhay kahapon, Mayo 17, muling inalala ni McCoy ang simula ng tandem nila ni Maris at iyon ay sa teleseryeng We Will Survive na pinagbidahan nina Melai Cantiveros at Pokwang noong 2016.

Nang tanungin kung kinilig ba siya sa kanilang reunion, aniya, "'Yung kilig siyempre parang 'yung kilig na yung makakatrabaho ko ulit siya. Kasi sobra niyang gaan katrabaho. Kita mo naman, ate Melai, sa 'We Will Survive.'"
Kasagsagan ng kanilang tambalan nang pumasok naman sa Pinoy Big Brother si McCoy at doon naman nabuo ang tambalan nila ni Elisse Joson. Si Maris naman ay natambal kay Iñigo Pascual.
Sa kabila ng kanilang samantalang paghihiwalay onscreen, malaki ang pasasalamat ni McCoy kay Maris dahil hindi naman naging masama ang loob ng aktres sa kanya.

"Ang laking pasasalamat ko sa kanya kasi sa mga interview niya, never niya akong ginawang masama. Sobrang thankful pa rin ako, naging positive pa rin siya," ani McCoy.

"Tapos dire-diretso pa rin siya. Mayroon kaming 'Block Z' na ginagawa, kasama namin 'yung JoshLia, sina Joshua (Garcia) at Julia (Barretto). Apat kami,” dagdag pa niya.