• Home
  • Fresh Scoops
  • Ryza Cenon on working with ex-BF Cholo Barretto: ‘Hindi naman mahirap’

Ryza Cenon on working with ex-BF Cholo Barretto: ‘Hindi naman mahirap’

Ryza Cenon, hindi nahihirapan na magkatrabaho sila ng ex na si Cholo Barretto sa ‘The General’s Daughter.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/17/2019 12:35 PM
Ryza Cenon on working with ex-BF Cholo Barretto: ‘Hindi naman mahirap’


Photo credit: @pocholobarretto on Instagram (R)

Sa Tonight with Boy Abunda, hindi sinagot ni The General’s Daughter star Ryza Cenon kung bakit sila naghiwalay ng former boyfriend na si Cholo Barretto. Aniya, “Sa amin na lang siguro kung ano man yung meron sa’min.”

Friends kaya sila ngayon ni Cholo? Ayon sa aktres na hinahangaan sa pagiging isang kontrabida, “Sa ngayon, di ko masasabing we’re friends. Ayoko rin naman magsara ng door o magsabi ng tapos pero sa ngayon po sa nararamdaman ko, hindi pa ako ready makipag-friends.”

Dalawang taon nagtagal ang relationship ni Ryza at Cholo at ayon kay Ryza ang natutunan niya mula sa kanilang relationship ay, “Kailangan magtira ka sa sarili mo. Kasi kapag hindi ka nagtira, nawawawala ka e. Na hindi mo na nararamdaman yung sarili mo, hanggang sa hindi mo na rin kilala yung sarili mo.”

Kailan naman kaya ready magmahal muli si Ryza? Sagot ng aktres, “Hindi ko na siya pinagdadasal na. Sabi ko na lang, Kayo na hong bahala, Lord, kung dadating, dadating.’ Hindi ko na lang po hahanapin.” 

Giit pa ni Ryza, naka-move on na siya mula sa naging relationship nila ni Cholo. “Actually Tito Boy, naka-move on na ako.”

Katrabaho din ni Ryza ngayon si Cholo sa The General’s Daughter, pero ayon kay Ryza hindi naman ito mahirap para sa kanya. “Hindi naman mahirap. For me ha, kasi hindi po e. Kapag trabaho po kasi ako, trabaho e. Kapag po personal, hindi ko po talaga dinadala,” sabi ng dalaga.