• Home
  • Fresh Scoops
  • Now that she turned 20, is Loisa Andalio open to do mature roles?

Now that she turned 20, is Loisa Andalio open to do mature roles?

Masayang ibinahagi ni Loisa na sa wakas ay natapos na ang kanyang pangarap na bahay para sa pamilya.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/17/2019 2:10 PM
Now that she turned 20, is Loisa Andalio open to do mature roles?


Photo credit: @iamandalioloisa on Instagram

Matapos ang kanyang 20th birthday celebration, handa na raw ngayon ang Kapamilya actress na si Loisa Andalio para sa mas malalim at mas madramang mga proyekto para sa kanya. 

"[Para] sa akin, ngayong 20 na ako, mas gusto ko ‘yung mas drama, siguro ‘yung 'sexy' didikit na lang ‘yun sa pagiging mature ng character eh," sagot ni Loisa sa PUSH nang tanungin kung handa na ba siyang tumanggap ng mas mature o sexy roles.

Dagdag ni Loisa, bukod sa mga 'pa-sweet' roles na ginagawa niya ngayon, mas gusto niyang ma-challenge sa mga darating niyang mga proyekto.

"Pero mas gusto ko talaga ‘yung drama, ‘yung sobrang lalim na character para mas ma-challenge ako. 

"Gusto ko makita naman nila (fans) ‘yung side ko na malalim, ‘yung may grabeng pinagdadaanan ‘yung character," ani Loisa.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

ALL FOR HIS GLORY.

A post shared by Loisa Andalio (@iamandalioloisa) on

 

READ: Loisa Andalio, itinuloy ang birthday concert kahit may nararamdaman

READ: Loisa Andalio to star opposite Vin Abrenica in new digital series

Samantala, ibinalita rin ni Loisa na sa wakas ay nakalipat na siya ng bahay kasama ang pamilya. Ayon kay Loisa, kahit kulang pa ang mga gamit, masaya siya dahil natapos na sa wakas ang pangarap niyang bahay.

"Mayroon na kaming matatawag na 'bahay namin' kasi dati talaga, wala.” 

"Hindi ko na iisipin kung saan kami titira. Parang, paano kung wala na akong trabaho. Hindi naman [kasi] forever itong showbiz, hindi mo masasabi hanggang kailan ka mainit," kuwento ng aktres.

Mapapanood si Loisa sa teleseryeng The General's Daughter, gabi-gabi sa Primetime Bida. 

Aabangan din siya sa bagong iWant digital series na Past Present Perfect na libreng mapapanood sa app simula May 31.