• Home
  • Fresh Scoops
  • Listahan ng Short Films na kalahok sa Cinemalaya 2019 inilabas na

Listahan ng Short Films na kalahok sa Cinemalaya 2019 inilabas na

Inaabangan na din ang opisyal na Independent movies na kalahok sa 2019 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/17/2019 10:57 AM
Listahan ng Short Films na kalahok sa Cinemalaya 2019 inilabas na


Sa nalalapit na pagsisimula ng ika-15 na Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, opisyal ng ipinakilala ang 10 sa short films na kabilang dito.


Sa 168 na nagpasa ng kanilang entry, sampu lamang ang naka-pasa sa Cinemalaya committee na pinangungunahan nina Nick Deocampo, Teddy Co, Milo Sogueco, Alvin Yapan, at Law Fajardo.

Ito ang mga sumusunod:

‘Wag Mo Kong Kausapin ni Josef Gacutan 

Disconnection Notice ni Glenn Lowell Averia 

Gatilyo ni Harold Lance Pialda

Heist School ni Julius Renomeron Jr.

Hele ng Maharlika (Lullaby of the Free) ni Norvin de los Santos

Kontrolado ni Girly Ang Buhay Niya ni Gilb Baldoza

Sa Among Agwat (In Between Spaces) ni Don Senoc 

Sa Gabing Tanging Liwanag ay Paniniwala ni Francis Amir Guillermo 

Shoemaker ni Sheron Dayoc

Tembong (Connecting) ni Shaira Advincula.

Sa ngayon, inaabangan na din ang official announcement ng mga independent movie na mapapanuod simula Agosto 2 hanggang 11 sa Cultural Center of the Philippines