• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: FRIENDSHIP GOALS: Janella Salvador rushes to the premiere of ‘Between Maybes’ for Julia Barretto

EXCLUSIVE: FRIENDSHIP GOALS: Janella Salvador rushes to the premiere of ‘Between Maybes’ for Julia Barretto

Biglaang napapunta si Janella Salvador sa premiere night ng ‘Between Maybes’ para sa kanyang kaibigang si Julia Barretto.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/17/2019 12:31 PM
EXCLUSIVE: FRIENDSHIP GOALS: Janella Salvador rushes to the premiere of ‘Between Maybes’ for Julia Barretto


Sa exclusive interview ng PUSH kay Janella Salvador, proud na sinabi ng aktres na nanuod siya ng premiere night ng Between Maybes bilang suporta sa isa sa closest friends niya sa showbiz na si Julia Barretto.

Ani Janella, tinawagan siya ni Julia sa mismong araw ng premiere noong May 14. “She did,” sabi ng aktres. Kuwento pa ni Janella, “Actually nagulat ako kanina kasi I was waiting, sabi niya are you going to the premiere? Sabi ko, hindi ako na-invite. ‘(Julia said) What? I told them to invite you.’”

Dahil daw dito ay nag-rush siya para sa kaibigan, “(I told Julia) Okay, I’m going to rush for you right now. So eto na, nag-rush ako para sa kanya.”

Kung magkakaroon naman daw ng isang hugot movie si Janella na katulad ng Between Maybes na mostly shot in Saga, Japan, ay gusto raw ni Janella, “Paris naman tayo.” Dagdag pa niya, “Well, basta maka-trabaho ko Black Sheep, okay na ako.”

Black Sheep ang nag-produce ng Between Maybes katulad ng hit film na Alone/Together at Exes Baggage

Pagdating naman sa dream leading man niya sa naturang project, ayon sa aktres ay, “Wala akong dream leading man e. Sila na bahala mag-pair.”