• Home
  • Fresh Scoops
  • Did Sue Ramirez just confirm relationship with BoybandPH member Joao Constancia?

Did Sue Ramirez just confirm relationship with BoybandPH member Joao Constancia?

Diretsahang tinanong ni Karla Estrada si Sue Ramirez kung nobyo niya ba si Joao Constancia ng BoybandPH.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/17/2019 1:58 PM
Did Sue Ramirez just confirm relationship with BoybandPH member Joao Constancia?


Photo credit: @sueannadoodles on Instagram

Hindi nakaligtas sa diretsahang tanong ng mga momshie hosts ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez nang tanungin siya tungkol sa kanyang love life. Sa episode ng Magandang Buhay kahapon, May 16, tinanong ni Karla Estrada si Sue tungkol sa status ng kanyang relasyon kay Joao Constancia.

"Close ka din sa BoybandPH? Barkada mo rin lahat, pero boyfriend mo yung isa doon?" tanong ni Karla na tinawanan lang ni Sue. 

Hindi man kinumpirmang 'oo,' hindi naman itinanggi ni Sue ang malapit nilang pagsasamahan ng BoybandPH member. 

"Ako po kasi as much as possible, kung kaming dalawa lang ang aayos ng problema, hindi ko idadamay ang ibang tao," sagot ni Sue nang tinanong kung lumalapit siya sa mga kaibigan kapag may problema kay Joao.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happiest birthday. I love you! 😊♥️

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles) on

 

READ: Sue Ramirez, Joao Constancia exchange ‘I love yous’

Sa parehong episode ay inilarawan ng kaibigang aktor na si Yves Flores si Sue bilang 'strong independent woman' dahil kayang kaya ni Sue na solusyunan ang mga personal na alitan nila ni Joao. 

"Grabe sila (Sue at Joao) mag-away, nagsusuntukan sila, eh," biro ni Yves. 

Aabangan si Sue sa bagong pelikulang Sunshine Family, isang movie adaptation mula sa Japanese 1992 film Hinige Family. Mapapanood sa mga sinehan ang Sunshine Family simula June 5.