• Home
  • Fresh Scoops
  • Lorna Tolentino, inilarawan ang pakikipagtrabaho kay Coco Martin sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Lorna Tolentino, inilarawan ang pakikipagtrabaho kay Coco Martin sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/16/2019 12:25 PM
Lorna Tolentino, inilarawan ang pakikipagtrabaho kay Coco Martin sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’


Photo credit: @lornatolentinofernandez L and @mr.cocomartin R IG

Labis na kinaiinisan ngayon ang karakter ng veteran actress na si Lorna Tolentino bilang si Lily sa tumitinding mga tagpo sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Kuwento ni LT, labis na kaligayahan ang kanyang nararamdaman ngayong aktibo siya muli sa telebisyon.

“Siyempre maligaya ako. Kasi very interesting ang role. Bilang artista, lahat naman ata ‘yun ang gusto na magkaroon ka ng role na isang witty na role,” sabi pa niya sa launching ng kanyang bagong endorsement sa Beautederm Corporation.

Dito, pinuri din niya ang trabaho at dedikasyon ni Coco Martin na tumatayo din bilang isang creative consultant at direktor ng numero unong Kapamilya program.

READ:Role ni Lorna Tolentino sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ na-extend?

“Ang kagandahan kasi, like noong nagmamadali dahil maraming nawala for elections, so parang si Lily na ang magbibigay ng clue kung nasaan sila, doon umikot ‘yung role ko,” kuwento pa ni LT.

“Sa trabaho, kung wala kang pasensiya, mabilis umiinit ang ulo mo, mali ang diskarte,” patuloy pa niya.

Gaya ng pagkakaroon ng mahabang pasensya ni Coco, ito din ang masasabing staying power ng aktres nang maitanong kung ano ang sikreto niya sa pananatili sa industriya.

“Nagpapasalamat pa din ako na andito pa din ako sa industriya kahit na ilan taon na ata ako dito, pero meron din ano ‘yun parang puntos sa magiging matagal na sa industriya,” aniya.

“Kaya siguro, nakikita din nila na hindi ko naman pinababayaan ‘yung trabaho ko, nakikisama naman ako na kahit na minsan umu-overtime kasi minsan kailangan. Makikita mo naman, parang bigayan. Nagkakaroon ng bigayan parang nagiging masaya,” pahayag pa ng aktres.

Sa ngayon, gabi-gabing napapanuod si Lorna bilang si Lily sa Ang Probinsyano.