• Home
  • Fresh Scoops
  • Live version ng ‘Akin Ka Na Lang’ ni Morisette Amon, umabot na sa 80M ang views sa YouTube

Live version ng ‘Akin Ka Na Lang’ ni Morisette Amon, umabot na sa 80M ang views sa YouTube

Sa kanyang Instagram Stories, nag-post ang pinamagatang ‘Asia’s Phoenix Diva’ ng kanyang pasasalamat sa lahat ng tumangkilik at patuloy na pinapanood ang kanyang live version ng nasabing hit kahit na noong Pebrero ng nakaraang taon pa ito in-upload.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/16/2019 9:15 AM
Live version ng ‘Akin Ka Na Lang’ ni Morisette Amon, umabot na sa 80M ang views sa YouTube


Photo credit: @itsmorissette on Instagram/ Wish 107.5 YouTube channel

“Sobrang nakakataba ng puso!”

Ito ang pahayag ng singer na si Morissette Amon matapos umabot ng mahigit sa 80 million YouTube views ang kanyang live performance ng sikat na kantang ‘Akin Ka Na Lang’ sa Wish 107.5 nitong linggo.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Lapit ng lapit, ako’y lalapit.. 🧡🙈 @mikodacanay #ASAPNatinTo

A post shared by M O R I S S E T T E (@itsmorissette) on

Sa kanyang Instagram Stories, nag-post ang pinamagatang ‘Asia’s Phoenix Diva’ ng kanyang pasasalamat sa lahat ng tumangkilik at patuloy na pinapanood ang kanyang live version ng nasabing hit simula pa noong Pebrero ng nakaraang taon.

Isinulat ng songwriter na si Francis Salazar, ang kantang “Akin Ka Na Lang” ay ipinasikat ni Morissette noong 2014 bilang official entry sa sikat na song writing at music video contest na “Himig Handog P-Pop Love Songs”. Nakasama ito sa Top 15 finalists, ngunit ang “Mahal Ko O Mahal Ako” na isinulat ni Edwin Marollano at in-interpret ni KZ Tandingan ang pinangalanang grand winner sa huli.

Panoorin ang buong video ditto: