Barbie Imperial, aminadong na-in love kay JM De Guzman

Alam ni Barbie Imperial na ibinibigay ni JM De Guzman ang lahat-lahat kapag in love ito.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/16/2019 10:30 AM
Barbie Imperial, aminadong na-in love kay JM De Guzman


Photo credit: @1migueldeguzman/ @msbarbieimperial on Instagram

Aminado si Barbie Imperial na na-in love din siya noon kay JM de Guzman na leading man niya sa afternoon series ng ABS-CBN na Araw Gabi.

“Oo naman po,” pag-amin niya. “Totoong in love naman talaga, kaso wala, nagpe-fade siya, eh, pag may mga nangyayari.

“Hindi talaga ako naniniwala na bigla-bigla na lang nagpi-fade yung love, pero totoo pala talaga yon kasi nangyari siya sa akin. Pag napuno ka pala talaga sa tao, bigla na lang wala na,” patuloy niyang pahayag.

Sa palagay ba niya ay hindi pa totally ready si JM dahil sa mga pinagdaanan nito kaya naudlot ang kanilang love affair?

“Kahit naman sabihin niya na ready siya, ako naman, hindi naman ako yung iisipin ko lang ang sarili ko na… Siyempre, bilang babae gusto natin ng label, di ba?

“Pero ako naman po, hindi ako yung klase ng tao na parang—alam ko, eh, na hindi siya ready—so hindi ko naman ipipilit dahil lang babae ako at gusto ng label,” esplika niya.

Aware din daw siya kung paano ma-in love ang aktor na talagang ibinibigay ang lahat-lahat.

Aniya, “Alam ko rin naman yung pinagdaanan ng tao at alam ko kung paano siya ma-in love, na ibibigay niya talaga yung mundo, kaso hindi puwede yung ganun, eh.

“Kahit ako po mismo, sinasabi ko sa kanya na, ‘Wag, wag mong ibigay sa akin ang mundo.’ Sabi ko, ibigay mo sa sarili mo.”

Samantala, kasama si Barbie sa pelikula ng Regal Entertainment na Finding You na pinagbibidahan nina Jerome Ponce at Jane Oineza. Palabas na ang pelikula sa May 29.