Vina Morales, may love advice para kay Barbie Imperial

Inamin ni Vina Morales na nasaksihan niya ang mga panahong may pinagdadaanan sa love life ang kanyang ‘Araw Gabi’ co-star na si Barbie Imperial.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/15/2019 12:15 PM
Vina Morales, may love advice para kay Barbie Imperial


Photo credit: @vina_morales on Instagram

Bilang 'ate' na ang turing sa kanya, ibinahagi ni Vina Morales ang ilang mga payo na binigay niya sa dating Araw Gabi co-star nito na si Barbie Imperial. 

"I always tell her na it’s her decision, whatever makes her happy. Atsaka bata pa lang siya, kailangan ienjoy niya kasi ang dami pang dadating," kuwento ni Vina sa Magandang Buhay kahapon, May 14. 

Dagdag ni Vina, isa siya sa mga nilapitan ni Barbie noong may pinagdadaanan ito sa buhay pag-ibig nito.

"I think one of her lowest points na when she was—alam mo yung sobrang in love na in love ka, and then biglang nawala. And you're so busy at kailangan mong magtrabaho. Nakaka-drain yun e," ani ng aktres.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thank you po, @vina_morales 💕 #BarbieImperial #MBAnakshieLove

A post shared by 🌹 BARBIE IMPERIAL Updates 🌹 (@barbieimperialupdates) on

 

Naging kontrobersiyal ang nakaraang guesting ni Barbie sa Tonight With Boy Abunda dahil sa isyu ng hidwaan sa pagitan ng aktres at ng kapwa nilang Araw Gabi actor na si JM De Guzman.

Sa huling report ay sinabi ni Barbie na hindi pa niya kayang maging kaibigan muli si JM De Guzman.

READ: Barbie Imperial, hindi pa din handa makipagkaibigan kay JM De Guzman

READ: Barbie Imperial, ibinlock ang number ni JM De Guzman

Matapos ang pagbabahagi ni Barbie ng kanyang pinagdaanang heartbreak, nag-iwan naman ng kanyang panibagong payo si Vina para sa kanya. 

"Sana 'wag muna masyado ang love life, kasi baka yung konting affected alam mo na... So I want you to focus on your career because paminsan-minsan lang dumadating ang ganitong mga opportunities," sabi ni Vina. 

Nagpapasalamat si Barbie sa pagtayong 'ate' ni Vina sa kanya, kahit na natapos na ang proyektong pinagsamahan nila.