Pageant scene sa Pilipinas, hindi nagpaawat sa eleksyon

Kahit sa kaiinitan ng eleksyon, patuloy pa din ang pagtutok ng mga Pilipino sa mga beauty contest.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/15/2019 2:19 PM
Pageant scene sa Pilipinas, hindi nagpaawat sa eleksyon


Sa nalalapit na grand coronation night ng Binibining Pilipinas 2019, kanya kanya nang paghahanda ng kanilang mga pasabog ang ilan sa mga kandidata.

Isa na dito ang patalbugan ng kaseksihan ng 40 kandidata sa kanilang swimsuit and national costume photo exhibit na ginanap kamakailan sa Gateway Mall sa Cubao.

 

 

Bukod sa 2019 Binibining Pilipinas, kasalukuyan din na ginaganap ngayon ang Jewel of The World 2019 kung saan nasa Pilipinas ang 20 kandidata mula sa iba’t-ibang bansa, kasama ang reigning queen nito na si Neeña Macaire Bezuidenhout ng South Africa.

 

 

Naghahanda na din para sa batch 2019 ang Miss Philippines organization para sa bagong batch ng aspiring Miss Philippines na inaasahan gaganapin ngayong Hulyo sa Resorts World Manila.

EMBED: https://www.instagram.com/pushalerts/p/BxKP4-Ghfw2/?utm_source=ig_share_sheet&igshid=akinotidsavk

Sa ngayon, labis na inaabangan ang pagpa-pasa ng korona ng reigning Miss Universe Philippines Catriona Gray sa kanyang successor sa Binibining Pilipinas.