• Home
  • Fresh Scoops
  • It’s Showtime’s Stephen Robles and Ryan Bang make up the new love team of StepBang

It’s Showtime’s Stephen Robles and Ryan Bang make up the new love team of StepBang

Naging emosyonal si Stephen Robles nang ikuwento niya ang pagiging bread winner sa ‘Magandang Buhay.’

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/15/2019 12:25 PM
It’s Showtime’s Stephen Robles and Ryan Bang make up the new love team of StepBang


Photo credit: @showtimestephanie/ @teamstephanieph on Instagram

Napa-'dalagang Pilipina' pose ang It's Showtime dancer na si Stephen Robles, nang tanungin kung may nararamdaman ba siya kay Ryan Bang. Sa episode ng Magandang Buhay kahapon May 14, inamin ni Stephen na naga-gwapuhan siya sa noontime show host.

"Kasi kapag po nakita mo si Ryan (Bang) iba po ang dating niya sa 'yo e. Nakaka-good vibes po siya," paliwanag ni Stephen na ikina-kilig ng mga momshie hosts.

Pinangalanan ni Steph ang kanilang bagong loveteam ni Ryan bilang StepBang. 

Nagsimulang mapansin si Steph ng madlang people dahil sa panunukso ni Vice Ganda tungkol sa kanyang kasarian at panglalaking pangalan. Di kalaunan, ay marami na rin ang kinilig sa natuklasang 'chemistry' nila ni Ryan. 

READ: Is It’s Showtime’s Stephen Robles male or female?

Samantala, sa parehong episode din ay hindi napigilang maging emosyonal ng It's Showtime dancer nang ikuwento ang buhay bilang breadwinner, kasama ang kanyang ina.

Ayon sa kuwento ni Steph, siya mismo ang nagpatigil sa ina sa pagta-trabaho nito sa canteen noon. "Kasi po ang tagal na rin po niyang nagluluto, nakikita ko po yung pagod niya. Sabi ko [sa kanya] 'Ako na lang magta-trabaho, Ma, maghinto ka na diyan sa pagluluto mo,’" ani Steph.

Bunso sa limang magkakapatid si Steph. Sa ngayon, may kaniya-kaniya nang pamilya ang mga kapatid niya habang ang ina ay naninirahan sa kanilang probinsya sa Tarlac. 

 

Mapapanuod araw-araw ang kulitan at kilig moments nina Steph at Ryan sa It's Showtime.