• Home
  • Fresh Scoops
  • Ilang celebrity candidates, hindi pinalad sa midterm elections

Ilang celebrity candidates, hindi pinalad sa midterm elections

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/15/2019 12:32 PM
Ilang celebrity candidates, hindi pinalad sa midterm elections


Photo credit: @omengq/ @karlaestrada1121 on Instagram

Kasabay ng naganap na eleksyon nitong Lunes, May 13, ilan sa mga tumakbo ay showbiz personalities na sumubok na umupo sa puwesto bilang public servant.

Pero hindi lahat ay pinalad, gaya nalang ni Roderick Paulate na tumakbo bilang Vice Mayor ng Quezon City.

Sa kanyang Facebook post, maagang pinasalamatan ni Kuya Dick ang kanyang mga taga suporta.

“Sa lahat ng sumuporta at nagmahal. Taos puso akong nagpapasalamat. Hindi man tayo nanalo marahil may plano ang Dios. Hindi man ako ganun kakumbinsido sa botong nakuha ko (108,000+)   dahil ito rin halos ang nakuha kong boto noong 2016 sa aming distrito 2 lang sa pagiging Konsehal...ganun po talaga ang politika. Sa mga nagtiwala at sumuporta, lalo na sa mga mahal kong kaibigan...maraming salamat po! Sa RP team ko salamat sa pagmamahal.

Mabuhay kayong lahat!! God bless us all.”

Kuwento din ng pagkabigo ang naging kinahinatnan ng actress politician na si Andrea Del Rosario na kumandidato sa Calatagan, Batangas. 

“Naniniwala po ako na Sa buhay, kasing importante ng Manalo ang Matalo, And I lost. Ang importante po sa kahit na anong laban, ay naibigay ang best at naipakita na hindi ko kayo iniwan. Sa mga nanalo, congratulations po! Inuulit po namin, mula sa aming pamilya...maraming maraming Salamat po sa lahat ng mga volunteers at sumuporta! It was an honor to represent Calatagan,Thank you Calatagan” pasasalamat ni Andrea sa kanyang Facebook post.

Bukod kay Roderick at Andrea, hindi din pinalad ang ama ni Daniel Padilla na si Rommel Padilla na tumatakbo naman bilang kongresista ng first district ng Nueva Ecija.

Sa Instagram post ni Karla Estrada, pinasalamatan nila ang naging suporta ng kanilang mga kababayan.

 

Ang Kapamilya leading man naman na si Richard Yap nagpasalamat din sa kabila ng pagkabigo niya na makapasok bilang Cebu North District representative.