• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Idol Philippines’ hopeful Lance Busa, hiling ang suporta sa kanyang bagong laban

‘Idol Philippines’ hopeful Lance Busa, hiling ang suporta sa kanyang bagong laban

Si Lance Busa ang naging kinatawan ng Pilipinas noong 2017 sa international singing reality search na ‘Bolt Of Talent’.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/15/2019 2:26 PM
‘Idol Philippines’ hopeful Lance Busa, hiling ang suporta sa kanyang bagong laban


Nag uumapaw na kaligayahan ngayon ni singer performer Lance Busa matapos siyang makakuha ang golden ticket sa Idol Philippines.

Matatandaan na si Lance ang naging kinatawan ng Pilipinas noong 2017 sa international singing reality search na Bolt Of Talent kung saan siya ang itinanghal na grand champion.

READ: Pinoy singer Lance Busa ikinwento ang pinagdaanan bago nanalo sa “Bolt of Talent”

 

 

Ngayon isa si Lance sa mga aspiring singers na sumubok ng kanilang suwerte sa unang edisyon ng Kapamilya singing search.

Sa naging panayam ng PUSH sa Idol Philippines hopeful, inamin niya na labis siyang kinabahan sa kanyang pagharap sa mga hurado lalo na kay Songbird Regine Velasquez.

“Pinakakinabahan po ako kay Miss Regine at kay Ate Vice (Ganda). The first time na nakita ko sila sa TV, sobrang humanga na ako sa galing at talino nila at ever since lagi ko na po sila sinusundan sa mga shows nila,” kuwento ni Lance sa PUSH.

Aniya, panibagong achievement sa kanya ngayon ang pagiging bahagi ng Idol Philippines.

“Sobrang saya po na nakapasok ako sa Idol Philippines, yung tipong naisip ko na, ’Eto na po yung inaantay ko buong buhay ko. Di ko ‘to sasayangin,’” ani singer-performer.

At sa kanyang bagong journey ngayon, sinisiguro ni Lance ibibigay niya ang kanyang pinaka-best para maabot ang kanyang pangarap.

“Meron po akong favorite motto na binuo ko lang, it’s G.O.D. Gratitude, Optimism, and Discipline. Lagi po dapat akong thankful sa lahat ng blessings pati na rin sa hardships sa buhay, tsaka my family will always be in my heart. Always,” pahayag pa niya.

Sa huli, hiling ni Lance ang muling makakuha ng suporta para sa panibagong hamon sa kanyang karera bilang isang mang-aawit.