• Home
  • Fresh Scoops
  • Direk Erik Matti ibinahagi kung paano nabuo ang ‘Kuwaresma’

Direk Erik Matti ibinahagi kung paano nabuo ang ‘Kuwaresma’

Na-intimidate ba si direk Erik Matti nang makatrabaho si Sharon Cuenta?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/15/2019 10:54 AM
Direk Erik Matti ibinahagi kung paano nabuo ang ‘Kuwaresma’


Photo credit: @erikmatti on Instagram

Ang action film na Buy Bust na ipinalabas last year (2018) ang huling pelikula ni Direk Erik Matti. Siya rin dapat ang magdidirek ng Darna ng Star Cinema pero kinailangan niyang iwan ang proyekto dahil sa iba’t ibang kadahilanan.

Ayon sa director, ayaw niya munang magdirek ng pelikula na sobrang dami ng cast dahil napagod siya.

“Eh, galing ako sa madugong pelikula—yung Buy Bust. Tapos ginagawa ko rin yung On The Job series na ang dami ding artista, kaya sabi ko, gusto ko na yung gagawin kong pelikula ay maliit lang.

“Nung mag-usap kami ni Dondon (Monteverde, partner niya sa Reality Entertainment), ‘Don, gusto ko sana kung gagawa tayo ng pelikula nasa Baguio tayo, malamig, nakatago lahat ng artista, walang uwian.

“Tapos pag-akyat, shoot na. Iilan lang yung cast, siguro lima o anim. Tapos pagbaba (from Baguio), tapos na,” simulang kuwento ng batikang director.

Eh, paano nga ba nabuo ang Kuwaresma?

“Pag-alis ko ng Darna, kasi naka-standby ako sa Darna, di ba for the longest time, so wala akong planong gawin except On The Job kasi nauna na yon. so, si Dondon nanghihinayang siya na nakaabang kami na matapos yung Darna at saka kami gagawa ng movie. Nung umalis ako sa Darna, sabi ni Dondon gumawa kami.

“Nung una, ang plano talaga, suggest ni Dondon na gawa nga daw kami ng horror. Sabi ko, gawa kami ng maliit na movie, mga theater actors. ‘Oo naman,’ si Dondon. ‘Sige maliit lang para mabilis.’

“One week later, ‘Eh, kung mag-Sharon Cuneta tayo?’ sabi ni Dondon. So kinausap namin si Sharon and right there and there nung nag-meet kami pumayag na siya,” salaysay ni Direk Erik.

Nilinaw din niya na hindi tinipid ng kanilang produksyon ang Kuwaresma.

Aniya, “Paano ka magtitipid, may Sharon, John Arcilla ka. Yan palang parang tatlong pelikula na yan na maliit, di ba?

“Ang horror kasi ma-set-up, eh. Pag napanood nyo yung movie hindi mo iisipin na, ‘Ay, nasa loob lang ng bahay’ kasi sobrang dami ng nangyari sa bahay na yon.”

Na-intimidate ba siyang katrabaho ang Megastar?

“Siyempre nung simula hindi ko alam kung paano timplahin si Shawie, di ba?” pag-amin ng director.

“I worked with her sa commercial, pero iba naman yung commercial, eh. So ako, tinatantya ko siyempre. At nagho-homework din ako kasi matanong ang dalawang yan, eh, so kailangan ready ka,” pag-amin niya.

Palabas na simula ngayong Miyerkules, May 15, ang Kuwaresma. Produced ito ng Reality Entertainment at Globe Studios.