Vice Ganda: ‘Bawat boto ay mahalaga’

Karla Estrada, Vice Ganda, Matteo Guidicelli, at iba pang celebrities nag-share ng experience nila sa pagboto kahapon, May 13.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/14/2019 11:41 AM
Vice Ganda: ‘Bawat boto ay mahalaga’


Photo credit: @praybeytbenjamin on Instagram (L)

Sa ulat ng TV Patrol, sinigurado ng mga celebrities na hindi sila mahuli sa pagboto kahapon, May 13.

LOOK: ‘Vote wisely’: Celebrities participate in the 2019 Philippine general elections

Isa sa mga maaga sa presinto sa Muntinlupa City ay si Matteo Guidicelli. Anya, “Muntinlupa is a very family-oriented place. It’s very nice to see the millennials, especially the young ones really voting, aside from the more seniors…”

Isa naman sa celebrity senior citizen na siniguradong ma-exercise ang karapatang bumoto ay si Celeste Legaspi. Ayon kay Celeste, “Naaawa ako at naiinis sa mga Pilipinong hindi bumuboto. Sayang na sayang yung karapatan na yun.”

Kailangan din diumano ng tiwala sa ating mga boto, ani Iza Calzado. “Alam ko marami sa atin ang manhid na, apathetic. Pero nawalan tayo ng tiwala sa boto natin, saan tayo dadalhin nito, ‘di ba?” 

Sa Sta. Cruz, Maynila naman bumoto si Vice Ganda na nagsabing, “Bawat boto ay mahalaga. Walang botong mas matalino sa isa.”

Kung okay naman ang naging karanasan ng iba sa pagboto, may mga ilang celebrities na nagkaroon ng problema katulad ni Karla Estrada na hindi tinanggap ang boto sa vote counting machine kung kaya kailangan pa niya mag-antay ng kapalit na machine. Panawagan ng dismayadong si Karla, “Sana makita ito ng mga mahahalal. Hanggang sa pagboto sakripisyo. Bigyan niyo din ng halaga ‘to, dahil hindi din naman namin kayo patatahimikin.” 

Hindi naman nakita ni Angeline Quinto ang pangalan ng ina sa voters’ list sa Sampaloc, Maynila. “Hindi ko na naman nakita yung pangalan niya, so sabi sa akin baka kailangan ko ng ayusin sa COMELEC ulit.”