• Home
  • Fresh Scoops
  • Sharon Cuneta, na-impress sa acting skills ng baguhang si Kent Gonzales

Sharon Cuneta, na-impress sa acting skills ng baguhang si Kent Gonzales

Humanga din si direk Erik Matti sa pag-arte ni Kent Gonzales.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/14/2019 11:16 AM
Sharon Cuneta, na-impress sa acting skills ng baguhang si Kent Gonzales


Photo credit: @reallysharoncuneta on Instagram (L)

Dumaan sa audition ang ang 17-year-old na si Kent Gonzales bago napunta sa kanya ang role bilang anak ni Sharon Cuneta sa horror film ng Reality Entertainment at Globe Studios na idinirek ni Erik Matti.

Ang Kuwaresma na ipapalabas simula May 15 ang kauna-unahang horror movie ni Sharon Cuneta.

Nang sumalang na sa syuting si Kent ay kaagad namang lumabas ang angking galing nito sa pag-arte kaya hindi maiwasang mapabilib kaagad sa kanya si Sharon at ang director ng pelikula.

Ayon pa nga kay Sharon sana raw ay mabigyan pa ng maraming projects si Kent dahil napakanatural nitong umarte.

Ikinumpara naman ni si Kent ni Dondon Monteverde, producer ng Reality Entertainment, kay John Lloyd Cruz. May mga nuances daw at istilo ito sa pag-arte na parang si John Lloyd.

Ayon naman kay Kent, wala siyang anumang acting experience pero kinaya niyang makipagsabayan kay Sharon. Naging very supportive naman daw sa kanya ang Megastar kaya naging madali ang lahat.

Ani Kent, “Feeling ko parang nanay ko talaga siya pag magkasama kami sa eksena. Siyempre, who wouldn't be intimated with Mommy Sharon around pero ang sarap niya kaeksena.”

Nagpapasalamat naman si Kent sa mga papuri sa kanya ng Megastar pagdating sa kanyang pag-arte.

“It’s an honor po for me na masabihan ni Mommy Sharon ng compliments na ganu’n. I never expected po na may mangyayaring ganitong moment, ganitong opportunity.

“I am thankful po kay God na binigyan Niya ako ng ganitong blessing. I was given a chance na makatrabaho si Mommy Sharon, si Direk Erik,” lahad pa ng bagets.
 
Aminado naman ang binata na natakot siyang kaeksena si Sharon nung simula ng syuting nila sa Kuwaresma.

“Of course, normal lang naman na ma-intimidate. Lalo na po sa akin na wala pa akong masyadong experience sa acting so sa first scene natakot.

“Pero si Mommy Shawie kasi, sweet siya and easygoing. Masarap siyang katrabaho. Kung may nagagawa man akong mali, nariyan siya to correct me. And she acts like a real mom to me on the set. Naging magaan ang loob ko sa kanya,” pahayag pa ni Kent.