• Home
  • Fresh Scoops
  • LOOK: PBB Star Dreamer Mark McMahon joins the cast of ‘The Panti Sisters’

LOOK: PBB Star Dreamer Mark McMahon joins the cast of ‘The Panti Sisters’

Makakasama din ni Mark McMahon sina Cedrick Juan, Rosanna Roces, Carmi Martin, at Roxanne Barcelo bilang bagong addition sa ‘The Panti Sisters’ cast.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/14/2019 11:51 AM
LOOK: PBB Star Dreamer Mark McMahon joins the cast of ‘The Panti Sisters’


Photo credit: @Black Sheep on FB/ @markmcmahon1 on Instagram

Inanunsyo ng ABS-CBN Film outfit na Black Sheep ang bagong collaboration sa Idea First Company at ALV Productions, para sa pelikulang The Panti Sisters.

Sa Facebook post ng Black Sheep kahapon, May 13, spotted sa mga larawan ang bagong dagdag sa cast na sina Mark McMahon, Cedrick Juan, Rosanna Roces, Carmi Martin, at Roxanne Barcelo.

Sa hiwalay na post sa Instagram, masayang ibinahagi ni Mark ang isang clip mula sa script reading ng kanyang pinaka-unang pelikula. "Happy to be part of this project, ako po si Barry Panti. Story con and script reading kanina," ayon sa caption ni Mark.

 

Tinaguriang bilang Island Son ng Siargao si Mark sa nakaraang batch ng Pinoy Big Brother Otso. Sa kanyang Instagram story, na-reveal din na magkakaroon pa siya ng dalawa pang digital series.

Ang The Panti Sisters ay pagbibidahan nina Paolo Ballesteros, Martin Del Rosario, at Christian Bables, na gaganap bilang tatlong magkakapatid na bakla. Sa nakalipas na interview sa direktor na si Perci Intalan, ibinahagi nito ang ilang pang detalye sa gagawing proyekto.

EXCLUSIVE: Perci Intalan, sinabing babae ang mga makaka-pareha nina Paolo Ballesteros, Christian Bables, at Martin Del Rosario sa ‘The Panti Sisters’

Direk Perci Intalan, naging ‘personal crusade’ ang paggawa ng LGBT-themed movies

Isa sa mga kalahok para sa Pista Ng Pelikulang Pilipino ang The Panti Sisters, na magaganap sa Setyembre.