Loisa Andalio, may 5 million followers na sa Instagram

Masaya itong ibinalita ng 20-year-old star sa kanyang page nitong hapon ng Martes, May 14.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/14/2019 5:12 PM
Loisa Andalio, may 5 million followers na sa Instagram


Photo credit: @iamandalioloisa on Instagram

Umabot na sa limang milyon ang Instagram followers ng aktres na si Loisa Andalio.

Masaya itong ibinalita ng 20-year-old star sa kanyang page nitong hapon ng Martes, May 14.

"YAY HAPPY 5M mula sa amin ni Baby Lucas!," aniya sa caption ng pictures nila ng pamangkin na si Lucas Andalio.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

YAY HAPPY 5M mula samin ni Baby Lucas! 5M na yakap para sainyo, mahal namin kayo! MWAAH ❤️

A post shared by Loisa Andalio (@iamandalioloisa) on

 

"5M na yakap para sa inyo, mahal namin kayo!," dagdag niya.

Sumikat si Loisa noong 2014 bilang teen housemate sa popular na reality show Pinoy Big Brother: All In, kung saan siya'y binansagang "Talented Darling ng Paranaque".

Bagamat hindi pinalad na manalo, gumawa siya ng sariling pangalan sa industriya bilang aktres. Kabilang sa kanyang sikat na TV projects ay ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita at The Good Son. Kasama rin siya sa blockbuster movies na Crazy Beautiful You, Gandarrappido: The Revenger Squad, at Fantastica.

Sa ngayon ay kasama si Loisa sa primetime series na The General's Daughter.

Bibida rin siya sa upcoming film na James and Pat and Dave kasama ang boyfriend na si Ronnie Alonte at kapwa aktor na si Donny Pangilinan.