• Home
  • Fresh Scoops
  • Loisa Andalio, itinuloy ang birthday concert kahit may nararamdaman

Loisa Andalio, itinuloy ang birthday concert kahit may nararamdaman

Ayon kay Loisa Andalio, na-ospital siya dahil sa naranasang dehydration at pagbaba ng blood pressure isang araw bago ang kanyang birthday concert.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/14/2019 11:29 AM
Loisa Andalio, itinuloy ang birthday concert kahit may nararamdaman


Photo credit: @iamandalioloisa on Instagram

Masaya ang Kapamilya star na si Loisa Andalio sa kinalabasan ng kanyang 20th Birthday Concert sa kabila ng naranasang dehydration at pagbaba ng blood pressure isang araw bago ang show. 

LOOK: Loisa Andalio to celebrate 20th birthday with concert

Ayon kay Loisa, nanggaling pa siya ng ospital at nilagyan ng dextrose dahil sa hindi mapigilang pagsusuka at diarrhea.

"Before n'on, galing pa akong ospital kasi na-dehydrate ako. Hanggang sa bumaba na yung BP ko. Tapos dinextrose ako agad. Sabi ko [sa doktor] 'Hindi po pwede na overnight ako dito, kasi may show pa po ako kinabukasan.'

"Kinabukasan, parang ang hina pa [rin] ng resistensya ko. Nung rehearsal nagsayaw lang ako hinihingal na ako. Kaya kinakabahan na ako kung paano ko gagawin yung buong show nang hindi ako nagsusuka," kuwento ni Loisa.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hi daw sainyo sabi ni Shantal (2003) Past, Present, Perfect series ngayong MAY na sa IWANT!

A post shared by Loisa Andalio (@iamandalioloisa) on

 

Sa kabila ng nararamdaman, naging matagumpay pa rin ang nasabing concert noong Biyernes, May 10, sa Music Museum.

"Gusto ko talaga yung ganun e - nag-concert [ako] hindi lang para mag-entertain, yung parang may heart-to-heart talk kami ng mga tao," dagdag ng aktres.

Matapos ang concert ay pinili na lang daw ni Loisa ang magpahinga at bawiin ang lakas. 

LOOK: Maris Racal and Loisa Andalio cozy up for a photo

Sa ngayon, aabangan si Loisa sa bagong digital series sa iWant na Past Present Perfect, sa May 31. Makakasama niya dito sa unang pagkakataon sina Shaina Magdayao, Vin Abrenica, at ang FAMAS 2019 awardee na si Direk Dwein Baltazar.