• Home
  • Fresh Scoops
  • Gretchen Barretto, inaming hindi siya pinagtrabaho ni Tonyboy Cojuangco

Gretchen Barretto, inaming hindi siya pinagtrabaho ni Tonyboy Cojuangco

Malaki ang pasasalamat ni Gretchen Barretto sa kanyang longtime partner na si Tonyboy Cojuangco nitong nakaraang Mother’s Day.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/13/2019 4:41 PM
Gretchen Barretto, inaming hindi siya pinagtrabaho ni Tonyboy Cojuangco


Photo credit: @gretchenbarretto (L) on Instagram

Malaki ang pasasalamat ni Gretchen Barretto sa kanyang longtime partner na si Tonyboy Cojuangco nitong nakaraang Mother’s Day.

Sa kanyang Instagram post noong Linggo, May 12, sinabi ng aktres na utang niya kay Tonyboy ang pagiging hands-on niyang ina sa kanilang nag-iisang anak na si Dominique. Ito ay matapos siyang pahintuin sa pagtatrabaho upang makasama niya si Dominique sa London habang ito ay nag-aaral pa ng kursong fashion design sa prestihiyosong fashion school na Instituto Marangoni London. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Harlow and my mama

A post shared by DOMINIQUE (@dominique) on

 

“I didn’t have to work. I only had to be with you,” aniya kay Dominique. 

“I went to school with you because I had the luxury to go to school with you. So thank Dada (Cojuangco),” dagdag pa niya. 

Sa hiwalay na post, sinabi ni Gretchen na thankful siya kay Tonyboy sa pagiging “perfect father” nito sa kanilang anak. 

 

 

“I would not be this kind of mother if not for Tony who is a hands-on father and a great provider,” aniya.

“I was blessed to be able to retire from work and be a full-time mom. I experienced the joy of motherhood every step of the way,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan ay nasa San Francisco, California ang mag-ina upang magbakasyon.